Amenah Pangandaman

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Amenah Pangandaman ay dating katuwang na gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at hinirang ni Pangulong Bongbong Marcos na pamunuan ang Kagawaran ng Badyet at Pamamahala [Department of Budget and Management], kung saan nanungkulan din siya bilang katuwang na kalihim. Siya rin ang chief of staff ng dating gobernador ng BSP na si Benjamin Diokno. Si Diokno naman ang mamumuno sa Kagawaran ng Pananalapi sa ilalim ng administrasyon. Dati rin siyang chief of staff ni dating Senador Edgardo Angara.

Isa sa mga priyoridad ni Pangandaman ang modernasyon ng sistema sa pagbabadyet.

Si Pangandaman ay nagtapos ng ekonomika sa Far Eastern University at may master’s degree sa development economics mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sanggunian

Aika Rey. “Amenah Pangandaman is next budget secretary.” Rappler, 30 Mayo 2022. https://www.rappler.com/business/amenah-pangandaman-next-budget-management-secretary/. Accessed 31 Mayo 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.