Amelia Lapeña-Bonifacio

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Amelia Lapeña-Bonifacio (4 Abril 1930-29 Disyembre 2020) ay isang Filipinong mandudula, puppeteer at educator na kilala rin bilang "Grand Dame of Southeast Asian Children's Theatre". Itinatag niya ang Teatrong Mulat ng Pilipinas noong 1997, na siyang naging opisyal na grupong panteatro at puppetry troup ng Unibersidad ng Pilipinas. Nagsilbi rin bilang tagapangulo ng International Association of Theatre for Children and Young People-Philippines and Union Internationale de la Marionnette-Philippines si Lapeña-Bonifacio. Kinilala siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro noong 2018. Sa panahong iyon, nakapagsulat na siya ng 44 na dula, kung saan 28 ay dulang pambata, 136 maiikling kuwento at 27 libro, kabilang ang isang nobelang nalimbag noong 2014, ang "In Binondo, Once Upon a War", na isinulat mula sa pananaw ng isang 11 taong gulang na bata. Pumanaw si Lapeña-Bonifacio noong ika-29 ng Disyembre sa edad na 90.

Mga Sanggunian

"National Artist for Theater Amelia Lapeña-Bonifacio passes away at 90" ABS-CBN News.