Ambalang Ausalin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ambalang Ausalin ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya sa paghahabi ng tradisyunal na telang Yakan. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2016.

Tubong Lamitan, Basilan, ipinanganak si Apuh Ambalang noong ika-4 ng Marso, 1943. Kilala siya sa paghahabi ng sinaluan at seputangan, dalawa sa mga telang may pinakamasalimuot na disenyo. Natutunan niya ang paghahabi mula sa kaniyang ina, na nauna nang kinilala bilang pinakamagaling na manghahabi sa Basilan. Mula sa kaniyang ina, ipinasa rin ni Apuh Ambalang ang kaalaman sa paghahabi sa kaniyang anak at mga pamangking babae.

Kinilala si Apuh Ambalang bilang Manlilikha ng Bayan noong 2016. Isa rin siya sa mga kamag-anak ni Darhata Sawabi na isa ring Manlilikha ng Bayan.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.