Alva R. Fitch

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Alva Revista Fitch ay isang lieutenant general ng United States Army at isa sa mga nakaligtas sa Bataan Death March noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ipinanganak si Fith sa Amherst, Nebraska noong ika-10 ng Setyembre, 1907. Nagtapos siya ng pag-aaral sa United States Military Academy sa West Point noong 1930 at naging bahagi ng sandatahang lakas ng Estados Unidos. Itinalaga siyang maging pinuno ng ilang hukbo sa Pilipinas noong digmaan. Matapos makaligtas sa Bataan Death March, nakatanggap siya ng Distinguished Service Cross at Silver Star para sa kaniyang ipinakitang katapangan sa pakikipaglaban. Matapos ang Labanan sa Bataan, binihag siya ng mga Hapon at napalaya lamang nang matapos na ang digmaan.

Namatay si Fitch noong ika-25 ng Nobyembre 1989 at inilibing sa Arlington National Cemetery. Kabilang si Fitch sa Military Intelligence Hall of Fame ng Estados Unidos.

Mga Sanggunian

  • Black, J. K. United States Penetration of Brazil. 1977 (page 183, 188)
  • Fitch, A. R. Autobiography of Alva Revista Fitch, Fitch family genealogy collection, unpublished, 1984, page 4
  • Mader, Julius Who's Who in CIA. 1968
  • Newman, J. JFK and Vietnam. 1992 (page 33, 186)
  • Powers, T. The Man Who Kept the Secrets. 1981 (page 271)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.