Alonzo Saclag

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Alonzo Saclag ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siyang musikero at mananayaw. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2000.

Talambuhay

Ipinananganak si Saclag noong ika-4 ng Agosto, 1942. Bilang miyembro ng grupong Kalinga at tubong Lubuagan sa lalawigan ng Kalinga, tinuruan ni Saclag ang sarili sa iba't ibang sining ng kaniyang grupo, kabilang ang sayaw, musika at pagtugtog ng mga tradisyunal na instrumento.

Isa sa mga pinagtuunan ng pansin ni Saclag ang pagbuhay sa tradisyon ng pagtugtog ng gangsa, isang uri ng gong sa Kalinga. Ipinaglaban ni Saclag na pondohan ng pamahalaang panlalawigan ang museo sa kanyang bayan. Sa tulong ng lokal na pamahalaan at iba pang mga grupo, nagkaroon ng sangay ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa bayan ng Lubuagan.

Ikinampanya rin ni Saclag ang pagpapalaganap ng kulturang Kalinga sa mga paaralan sa lalawigan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga nagpapatakbo ng mga paaralan. Isa siya sa naging daan para makagawian ang pagsusuot ng mga mag-aaral ng tradisyunal na kasuotang Kalinga sa mga mahahalagang gawain sa mga paaralan. Naging daan rin siya sa pagtuturo ng mga katutubong awiting Kalinga sa mga paaralan, at ang pagpapatugtog ng mga ito sa mga lokal na istaston ng radyo. Binuo niya ang Kalinga Budong Dance Troupe para mas maipakilala ang tradisyunal na sining ng Kalinga.

Ikinasal si Saclag sa kaniyang asawang si Rebecca at mayroon silang siyam na anak.

Pinarangalan si Saclag ng Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2000. Noong 2016, nagtatag siya ng isang barangay na tinawag na Awichon, para ipakilala ang kulturang Kalinga sa mga turista.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.