Allain Ganapin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Allain Keanu Ganapin (7 Hulyo 1998) ay isang Pilipinong para athlete. Siya ang kinatawan ng Pilipinas para sa Men’s K44 -75kg sa para taekwondo. Hindi siya natuloy sa paglahok dito matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Ipinanganak si Ganapin na putol ang kanang braso dahil sa kumplikasyon sa kaniyang umbilical cord habang siya ay ipinapanganak. Layunin niyang maging inspirasyon sa mga katulad niyang differently abled na naging biktima ng bullying.

Bahagi ng Philippine team si Ganapin mula 2015. Nakasali siya sa World Para Games sa pamamagitan ng isang bipartite invitation mula sa World Taekwondo Federation. Nag-uwi siya ng bronze medal sa 2017 Oceania Para Taekwondo Open at isa pang bronze medal sa 2021 Asian Olympic qualifiers sa Amman, Jordan.

Nagsimula siya sa taekwondo nang siya ay nasa unang taon sa Sto. Nino National High School sa Marikina. Nagsimula siyang mag-ensayo kasama ang mga ibang atletang walang kapansanan, na nakapagpataas ng kaniyang kumpiyansa sa sarili. Kasama niyang nag-ensayo para sa Olympics si Kurt Barbosa.

Noong ika-2 ng Setyembre, inanunsiyo ng Philippine Paralympic Committee (PPC) na hindi na maipagpapatuloy ni Ganapin ang kaniyang laban sa Paralympics matapos siyang magpositibo sa COVID-19. Siya ang ikatlong para athlete mula sa Pilipinas na nagpositibo sa sakit. Hindi rin nakalahok sa Paralympics sina Achele Guion at Jeanette Aceveda. Nagpositibo rin sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga coach.

Mga Sanggunian