Alice Reyes

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Alice Reyes ay isang Filipinong mananayaw, choreographer, direktor at produser. Kasama si Eddie Elejar, itinatag nila ang Ballet Philippines. Ipinanganak si Reyes noong ika-14 ng Oktubre, 1942. Noong ika-20 ng Hunyo, 2014, itinanghal siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw dahil sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng pagsasayaw sa Pilipinas.

Kabilang sa mga kilalang gawa ni Reyes ang Amada (1969), At a Maranaw Gathering (1970), Itim-Asu (1971), Tales of the Manuvu (1977), Rama Hari (1980) at Bayanihan Remembered (1987).

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.