Alex Niño

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Alex Niño ay isa sa mga pinakamahusay na dibuhista sa komiks na nakatanggap ng prestihiyosong Ink Pot Award noong San Diego Comic Convention, taong 1979.

Buhay

Si Alex Niño ay ipinanganak noong May 1, 1940 sa Tarlac, Pilipinas. Bata pa lamang si Niño ay nakagiliwan na niya ang gumuhit. Anim na taon siya ng matuto at mahumaling sa pagguguhit ng kung anu-ano sa buhangin samantalang ang ibang mga bata ay maingay na naglalaro. Kumuha siya ng kursong medisina sa Unibersidad ng Maynila ngunit mas pinili ang sining bilang propesyon.

Karera

Nagsimula ang kanyang karera sa pag-alalay sa kanyang ama, isang propesiyonal na letratista. Noong 1965, matapos mag-aral ng komiks mula kay Jess Jodloman, nagsimula siya sa pagkipag-ugnayan kay Clodualdo del Mundo at ginuhit niya ang nobelang Kilabot ng Persia para sa Pilipino Komiks.

Matapos ang kanyang proyekto sa Pilipino Komiks, naging sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto. Maraming nobela ang sumunod at halos nasa katatakotan-fantasya ang uri ng mga nobelang ito. Noong 1971, dinala ni Tony de Zuñiga sina Joe Orlando at Camine Infantino upang mangalap ng ilang mga Pilipinong magaling sa larangan ng pagguhit para maglingkod sa DC. Isa si Alex Niño sa mga napili. Kasama niya sina Nestor Redondo, at iba pa.

Nakapagtrabaho din si Niño sa ilang mga kompanya sa Estados Unidos tulad na lamang ng Southern Star, TMS, SEGA, Hannah-Barbera at Disney Studios. Ilan sa kanyang mga kapanahon ni Niño ay sina Jess Jodloman, Ruben Yandoc, Alfredo Alcala at Nestor Redondo.

Sa kasalukuyan, pagpipinta naman ang pinag-uukulan ng panahon ni Niño.

Mga Gawa

Bilang Ilustrador sa mga Nobela

Mga Gawa sa D.C.

  • To die for Magda
  • Captain Fear
  • Korak
  • Space Voyagers

Mga Gawa sa Marvel

  • Conan, the Barbarian
  • Man-Gods
  • Repent
  • Harlequin
  • Said the Tick Tock Man

Mga Gawa sa Warren

  • Eerie
  • Creepy
  • Vampirella

Iba pang gawa

  • Gruaga
  • Black Orchid
  • Tarzan Sunday strips
  • Bliss on Tap's God
  • The Dyslexic Dog
  • The Orc's Treasure
  • Incredible Hulk
  • Frankenstein Mobster
  • The Invisible Man

Parangal

  • Inkpot Award noong San Diego Comic Convention, 1979.

Panlabas na Kawing

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.