Alex Medina

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Alex Vincent Medina (ipinanganak noong 26 Mayo 1986), kilala bilang Alex Medina, ay isang Pilipinong aktor sa pelikula at telebisyon. Kilala siya sa kaniyang mga ginampanang karakter sa mga indie film. Gumanap siya bilang Diego/Joshua sa soap operang Ina, Kapatid, Anak. Siya ay anak ni Pen Medina at kapatid ni Ping Medina.[1]

Nanalo siya bilang best actor sa Cinema One Originals Film Festival para sa pelikulang Palitan.[2]

Personal na Buhay

Si Medina ay ipinanganak at lumaki sa Maynila. Anak siya ng beteranong aktor na si Pen Medina. Mayroon siyang tatlong lalaking kapatid: Karl, Ping, at Victor, na mga aktor din. Mayroon din siyang tatlong nakababatang kapatid: Japs, Victor, at Zeth.

Nag-aral siya ng Marketing and Corporate Communications sa San Beda College hanggang sa nagpokus siya sa pag-arte. [2]

Karera

Nagsimulang maging aktor si Medina sa mga pelikula ng mga fine arts majors sa University of the Philippines, Diliman (UP-Diliman).[2] Una siyang lumabas sa Concerto noong 2008.[1][2] Bahagi ang pelikulang ito sa Cinemalaya Independent Film Festival at nakatanggap ng mga papuri mula sa mga manonood.[3]

Noong 2009, pumirma ng kontrata si Medina sa ilalim ng pamamalakad ni Manny Valera.[4] Nagkaroon siya ng mga supporting role sa ilang pelikula tulad ng Fidel at Iliw.[1]

Noong 2011, nagkaroon siya ng maliit na papel sa pelikulang Ka Oryang [1]. Napansin siya ng iba't ibang direktor at independent film maker nang ang kaniyang mga pelikula ay nakatanggap ng mga parangal sa Pilipinas at ibang bansa.

Noong 2012, lumabas siya sa pelikulang Balang Araw sa direksyon ni Archie Dimaculangan. Noong sumunod na buwan, gumanap siya sa mga indie film tulad ng Mariposa: Sa Hawla Ng Gabi at Pascalina.

Nagkaroon siya ng malaking papel sa Palitan, kung saan ginampanan niya ang bidang karakter na si Nestor, isang desperadong empleyado na baon sa utang sa kaniyang amo.[1] Daring ang karakter ni Nestor. Ito ang unang paglabas ni Medina sa isang eksenang erotika sa pelikula. Pinuri ng mga kritiko ang kaniyang naging pagganap.[2] Ang kaniyang huling indie film noong 2012 ay ang Supremo.[5]

Nanalo ang mga indie film ni Media ng iba't ibang parangal sa 2012 Cinema One Originals Film Festival. Ilan dito ang Mariposa: Sa Hawla Ng Gabi na nanalo ng Best Production Design (Michael Espanol); Pascalina, at Palitan kung saan siya nanalo bilang Best Actor, habang nanalo naman bilang Best Actress ang kasama niya sa pelikula na si Mara Lopez.[6]

Pagkatapos nito, kinuha siya ng ABS-CBN upang gampanan ang papel na Diego sa prime time drama series na Ina, Kapatid, Anak, ang kaniyang unang paglabas sa telebisyon. [2][7]

Nakatanggap ng mga positibong komento ang pagganap ni Medina bilang Diego, rebelde at mapaghiganting nawawalang anak ni Theresa (ginampanan ni Cherry Pie Picache).[7] Kasabay nito mula Enero hanggang Mayo 2013, ginawa rin niya ang indie film na Babagwa, na kasali sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival.[1][7] Lumabas din siya sa panghapong fantasy drama series na My Little Juan.

Noong 2014, naging bahagi si Medina sa TV series na Two Wives.

Filmography

Telebisyon

Year Title Role Network
2012—2013 Ina, Kapatid, Anak Diego Medina / Joshua Buenaventura
ABS-CBN
2013 My Little Juan Jethro Sanchez
2014 Ipaglaban Mo: Niloko Niyo Ako George
2014—2015 Two Wives Marlon Aguiluz
2015 Ipaglaban Mo: Dahil Mahal Mo Siya Romy
2015—2016 Pangako Sa'Yo Simon Barcial
2016 FPJ's Ang Probinsyano Allen
My Super D Mario
Karelasyon: Tatay-tatayan Elvie
GMA Network
Karelasyon: Tenant New Tenant
A1 Ko Sa 'Yo Jessie Potrero
Ipaglaban Mo: Tapat Rey
ABS-CBN
2016—2017 The Greatest Love Alexander "Sandro" Sobrevista
2017 Ipaglaban Mo: Pagkakasala Ruel
Ipaglaban Mo: Saklolo Alvin Salonga
The Good Son Arthur Moreno
Tadhana:143 NZ Estong
GMA Network
2018 Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos Young Bert Esperanza
ABS-CBN
2018—2019 Playhouse Manuelito "Manny" Bradford Hawkins

Pelikula

Year Title Role Production
2008 Concerto Nardo
2009 Fidel fidel's friend
Iliw n/a
2011 Ka Oryang n/a
2012 Balang Araw n/a
Mariposa: Sa Hawla Ng Gabi n/a
Pascalina n/a
Palitan Nestor
Supremo Procopio Bonifacio
2013 Babagwa Greg
Angustia Don Victorino Hernandez
2014 K'na, The Dreamweaver Kagis
The Janitor Roger Ponce
2015 Kid Kulafu Rosalio Pacquiao Ten17P, Star Cinema
The Love Affair Cedric Star Cinema
Heneral Luna Jose Bernal Artikulo Uno Productions, Quantum Films
2016 Dukot Jimbo Star Cinema
How to Be Yours Pio Star Cinema
Camp Sawi Nelson Viva Films & N2 Productions
2019 Tayo sa Huling Buwan ng Taon Frank TBA Studios

References

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 IMDb.com, Inc. (2011)Alex Medina (I) Actor Filmography Retrieved July 2, 2013
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Vanessa Balbuena (2013)Alex Medina: Heir apparent Philstar Retrieved July 2, 2013
  3. Lino Broka, Paul Morales Concerto. Lino Broka.
  4. Allan Diones (2012)Mara, kinabayo ni Alex Template:Webarchive Abante Tonite Retrieved July 2, 2013
  5. orangemagazinetv.com (20112)Supremo" To Be Shown At The 14th Cinemanila International Film Festival This November! Template:Webarchive Retrieved July 2, 2013
  6. PinoyRbyu (2012)Posts tagged ‘Alex Vincent Medina’ Retrieved July 2, 2013
  7. 7.0 7.1 7.2 Ricky Lo (2013)In his father's footsteps PhilStar Retrieved July 2, 2013

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Alex Medina. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.