Alejandro Roces

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Alejandro Roces ay manunulat ng maikling kuwento, sanaysay at kritika sa sining. Siya ay naging bantog dahil sa kaniyang antolohiyang "My Brother's Peculiar Chicken." Sa kaniyang di-mabilang na akdang nalathala sa pahayagan, lagi niyang binibigyang tuon ang napabayaang aspekto ng pamanang kultura ng bansa.

Pinag-ugatan

Isinilang siya noong 13 Hulyo 1924, at supling nina Rafael roces at Inocencia Reyes. Siya ang kapatid ng manunulat at artista sa sining biswal na si Afredo Roces. Siya ay ikinasal kay Irene Viola at nagkaroon ng isang supling. Siya ay nagtapos ng elementarya at hay-iskul sa Ateneo de Manila. Nakamit niya ang kaniyang Bachelor's degree in Fine Arts sa State University of Arizona.

Ang kaniyang akdang "We Filipinos are Mild Drinkers" ay nagwagi sa timpalak pampanitikan sa unibersidad. Naging kapitan siya ng mga gerilya noong ikalawang pandaigdigang digmaan. Tinapos niya ang ang kaniyang master's degree sa Far Eastern University. Siya ay naging dekano ng departamentong Ingles at ng Kawanihan ng Sining at Agham (Institute of Arts and Sciences). Naging instrumento siya upang sumikat ang pagdiriwang ng mga pista lalong-lalo na ang Moriones at Ati-atihan. Personal niyang ikinampanya ang paggamit ng sariling wika sa mga importanteng papeles ng gobyerno. Naging kolumnista siya para sa mga pahayagang Manila Chronicle at Manila Times sa pamagat na "Roses and Thorns." Naging pangulo siya ng pahayagang Manila Bulletin at ngayon ay kolumnista sa Philippine Star.

Parangal

Nailathala ang mga maikling kuwento niya sa Arizona Quarterly, Southwest Review, Pacific Spectator at New Mexico Quarterly. Natamo niya ang ikalawang premyo para sa paligsahan ng maikling kuwento sa buong bansa na itinaguyod ng World's Digest. Noong 1948 at 1851 napabilang ang dalawa sa mga ginawa niyang maikling kuwento sa listahan ng Martha Foley's Best Stories of the year. Noong 1959 naglathala siya ng mga koleksiyon ng maiikling kuwento na may pamagat na Of "Cocks and Kites". Umani siya ng repustasyong "pinakamagaling na manunulat ng mga akdang katatawanan." Siya ang sumulat ng aklat na "book Fiesta, 1980" na nagtatampok ng mga piyesta at pagdiriwang sa buong bansa. Nakatanggap siya ng mga parangal mula sa Rizal Pro Patria Award, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award noong 1970 at Diwa ng Lahi Award noong 1988. Nakatanggap din siya ng mga parangal mula sa iba't ibang bansa. Noong 1990 ay nakamit niya ang Tanging Parangal ng Gawad CCP para sa Sining; at naging honorary doctorate ng Tokyo University at ng Polytechnic University of the Philippines.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.