Albularyo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang mga albularyo, minsan ay tinatawag din na hilot, ay kilalang alternatibong manggagamot sa Pilipinas. Sila ay bantog lalo na sa mga maralita para sa kanilang panggagamot sa abot-kayang halaga. Sila ay kadalasang nakikita at pinipilaan sa mga barrio o mga barangay.

Sila ay nagtataglay ng kaalaman sa paggamit ng halamang gamot upang makapag paggaling ng iba't ibang sakit lalo na sa pilay at bali sa buto. Maliban sa halamang gamot, sila rin ay gumagamit ng salmo o awit kasabay sa paggamit ng langis at ipinapahid sa parte ng katawan ng may sakit.

Ang kanilang kakayahan ay pinaniniwalaang nagbuhat sa basabas ng mga espiritu at anito sa kagubatan. Ang pagsusuring kanilang isinasagawa ay hindi lamang sa pisikal na pamamaraan kundi sa emosyonal at espirituwal na antas.

Babala

Sa kabila ng popularidad ng alternatibong panggagamot na ito, walang siyentipikong pagsusuri sa kasalukuyan ang nagpapatunay sa bisa ng ganitong uri ng panggagamot.

Sanggunian

  • Quisumbing, Eduardo. Medicinal Plants Of The Philippines. Manila: Katha Publishing Co., 1978
  • Stuart Xchange. (hinango noong Abril 25, 2008).
  • My Sari Sari Store. (hinango noong Abril 25, 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.