Albert Martinez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Albert Reyes Martinez ay isang Pilipinong aktor. Ipinanganak siya noong 19 Abril 1965. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid - sina William Martinez at Ronnie Martinez.

Karera

Isa si Martinez sa mga talentadong aktor sa Pilipinas. Nagampanan na niya ang mga papel bilang siga, bading, ama, kasintahan, guro, lasinggero, adik, masokista at iba pang papel na maaring gampanan. Bago pa man pumasok sa syobis si Albert, isa ng ganap na aktor at modelo ang kanyang kapatid na si William. Naging miyembro ang kanyang kapatid sa sikat na Bagets noong dekada '80.

Bagkos, nasa puso rin ni Albert ang pag-aarte. Noong siya ay estudyante pa lamang sa Unibersidad ng Santo Tomas, kasapi si Albert sa theater guild ng unibersidad, ang Teatro Tomasino. Ngunit hindi nito nabigyan ng buong pansin at oras ang pagtatanghal sapagkat isa rin siyang estudyante ng Engineering.

Ang kanyang pagpasok sa mundo ng syobis ay mula sa mungkahi ng kanyang kapatid na si William. Unang nag-awdisyon si Albert sa pelikulang Totoo ba ang tsismis kasabay ni Ricky Davao kung saan pareho nilang nakuha ang pangalawang pangunahing papel. Pagkatapos ng matagumpay na pelikulang ito, sunud-sunod na napanood si Albert sa mga pelikulang Bakit ba ganyan, Bata pa si Sabel at Blue Jeans, na siyang naging daan niya upang mapabilang sa Regal Films.

Dahil sa mga bumabahang alok na pelikula para sa Albert, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Ngunit bago pa man matapos ang dekada '80, biglang nawala sa katanyagan si Albert. Nakipagtanan ito kay Liezel Sumilang, na ngayon ay asawa na niya, ang anak ng aktor na si Romeo Vasquez at aktres na si Amalia Fuentes. Si Liezel ay pinsang buo rin ni Aga Muhlach. Labinwalong-taon gulang pa lamang noon si Liezel ng nagdesisyon sumama kay Albert sa Estados Unidos.

Sa Estados Unidos, naging serbidor sa isang gasolihanan si Albert upang matustusan ang pangangailangan nilang mag-asawa at sa kanilang magiging anak. Una silang nanirahan sa Las Vegas, pagkatapos ay sa Los Angeles at San Francisco. Palipat-lipat sila ng tirahan. Dumating ang panahon na hindi na makayanan ng mag-asawa ang hirap ng buhay, nagpasiya silang bumalik ng Pilipinas noong Oktubre 1991. Pagbalik ni Albert sa bansa, agad siyang lumabas sa mga pelikula. Ang ilan sa mga ito ay ang Scorpio Nights 2, Segurista, Mumbaki, Tatsulok at Magnifico.

Mga pelikulang tinampukan

Ang mga sumusunod ay ang mga pelikulang tinampukan ni Martinez.

Taon Pamagat ng pelikula Papel
2007 I've Fallen for You Jonathan
2006 Numbalikdiwa Carlos/Anton
2005 Birhen ng Manaoag
2005 Sandalang bahay Cesar
2004 Anak ka ng tatay mo
2004 Astigmatism Doc
2003 Captain Barbell Lagablab
2003 Flames (short)
2003 Magnifico Gerry
2003 Ang kapitbahay Edmund
2002 Two Timer Cholo
2002 Laman Omar
2002 'Ang Galing galing mo, Babes' Tol
2001 Yamashita: The Tiger's Treasure Emong
2001 The Life of Rosa Engr. Cuevas
2001 Abakada... Ina Daniel
2000 Gusto ko nang lumigaya Orlando
2000 The 13th Chapter Ceasar Nero
1999 Ekis: Walang tatakas Gene
1999 Ms. Kristina Moran: Babaeng palaban
1999 Sidhi Miguel
1999 Scorpio Nights 2 Andrew Sales
1998 Lea's Story Ding
1998 Triangle Dave
1998 Soft Hearts Ron
1997 Rizal sa Dapitan Jose Rizal
1997 Phil-American Boy
1997 Gloria, Gloria Labandera
1997 Roberta
1997 When You Left Me Anton Lorenzo
1997 Bridesmaids Enrique Patricio
1996 The Insurance Agent Jake
1996 Mumbaki Carlos Bakayyawan
1996 Dyesebel
1996 Kay pait ng bukas
1995 Muling umawit ang puso Miguel
1995 Minsan pa: Kahit konting pagtingin part 2 Benny
1994 Talahib at rosas
1994 Pangako ng kahapon
1994 Anghel na walang langit
1994 The Untold Story: Vizconde Massacre II - May the Lord Be with Us
1992 Yakapin mo akong muli
1985 Pahiram ng Ligaya
1985 Lilac (Bulaklak ng magdamag) Jay/Jayson
1984 Teenage Marriage
1984 Daddy's Little Darlings
1983 Indecent Exposure
1983 Daddy Knows Best
1982 Santa Claus Is Coming to Town!
1982 Diary of Cristina Gaston Alberto
1982 Mother Dear Anjo
1982 Story of Three Loves Bernie
1982 No Other Love
1982 Ito ba ang ating mga anak
1982 Where Love Has Gone Aldo Asuncion
1982 Summer Holiday
1981 Blue Jeans
1981 Bata pa si Sabel
1981 Bakit ba ganyan
1981 Pabling
???? Kahit may mahal ka ng iba
???? Dalawang larawan ng pag-ibig

Mga palabas sa telebisyong tinampukan

Ang mga susunod ay ang mga palabas sa telebisyon na tinampukan ni Martinez<ref name=palabas>IMDb.com. Filmography: Albert Martinezbinisita noong: 15 Hulyo 2011.

Taon Pamagat ng palabas Papel
2011 Minsan lang kita iibigin Young Jaime Sebastiano
2011 Green Rose Darren Lee
2011 Nasaan ka, Eliza? Mariano Altamira
2010 Kung tayo'y magkakalayo Frank Crisanto / Uno
2009-2010 May bukas pa Enrique Rodrigo / Gonzalvo Policarpio / Gonzalgo Policarpio
2008 Palos Salvatore
2008 A Time for Us Ronaldo Dimaandal
2008 SineSerye Fritz
2007 Maria Flordeluna Col. Leo Alicante
2007 Princess Sarah Captain Christopher Crewe
2006 Sa piling mo Benicio
2006 Komiks Juan Penduko
2002 Pangako ng lupa
2002 Habang kapiling ka Alejandro
2001 Ikaw lang ang mamahalin Ferdinand Fuentebella
1999 May bukas pa

Mga Parangal

Ang mga sumusunod ay ang mga parangal na nakamit ni Martinez<ref name=parangal>IMDb.com. Awards: Albert Martinezbinisita noong: 15 Hulyo 2011.

Taon Parangal Kategorya Pelikula Resulta
2011 Star Awards Pinakamahusay na direktor Rosario (2010) Nominado
2005 FAMAS Awards Best Supporting Actor Anak ka ng tatay mo (2004) Nominado
2004 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktor Magnifico (2003) Nakamit
2004 Golden Screen Awards Best Performance by an Actor on a Lead Role-Drama Magnifico (2003) Nakamit
2003 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangunahing aktor Laman (2002) Nominado
2002 FAMAS Awards Best Actor Abakada... Ina (2001) Nominado
2001 FAMAS Awards Best Actor The 13th Chapter (2000) Nominado
2000 FAMAS Awards Best Actor Sidhi (1999) Nakamit
2000 Star Awards for Movie Actor of the year Sidhi (1999) Nominado
1999 FAP Awards Best Supporting Actor Lea's Story (1998) Nominado
1999 Star Awards Male Star of the Night Nakamit
1998 FAMAS Awards Best Actor Rizal sa Dapitan (1997) Nominado
1998 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangunahing aktor Rizal sa Dapitan (1997) Nominado
1998 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktor When you left me (1997) Nominado
1998 Star Awards Actor of the Year Phil-American Boy (1997) Nominado
1997 FAP Awards Best Supporting Actor The Insurance Agent (1996) Nakamit
1997 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktor The Insurance Agent (1996) Nakamit
1997 Star Award Supporting Actor of the year The Insurance Agent (1996) Nominado
1996 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktor Muling umawit ang puso (1995) Nominado
1995 Gawad Urian Award Pinakamahusay na pangalawang aktor Pangako ng kahapon (1994) Nominado
1995 Metro Manila Film Festival Festival Prize - Best Supporting Actor Muling umawit ang puso (1995) Nakamit

Trivia

Si Martinez ay dating naugnay kay Snooky Serna at Sharon Cuneta. Ang kanyang napangasawang si Liezl Martinez ay isang cancer survivor. Nagkaroon ng kanser sa suso si Liezel na bunga ng mga komplikasyon sa kanyang pagpapabreast augmentation. Agaran naman itong nalunasan. Quintos, Napoleon. Albert Martinez talks about Liezl's battle againts cancerbinisita noong 15 Hulyo 2011.

Panlabas na kawing