Albay

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa Rehiyon ng Bikol sa Luzon ang Albay. Lungsod Legazpi ang kabisera nito. Nasa hilaga ng Albay ang Camarines Sur, ang Sorsogon sa timog; ang Golpo ng Lagonoy sa hilagang-silangan; at ang Burias Pass sa timog-silangan.

Binubuo ng tatlong lungsod at 15 munisipalidad ang Albay. Kabilang sa mga munisipalidad ang Bacacay, Camalig, Daraga, Guinobatan, Jovellar, Libon, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran, Polangui, Rapu-Rapu, Santo Domingo at Tiwi, habang ang tatlong lungsod ay ang Legazpi, Ligao, at Tabaco.

Wika

Bikolano ang pangunahing wika ng mga nasa Rehiyon ng Bikol, ngunit marami sila silang diyalekto, depende sa lugar.

  • Bikolano Viejo
  • Daragueño
  • Legazpeño o Albayano
  • Oasnon
  • Rinconada

Nakauunawa rin ang mga taga-Albay ng Tagalog at Ingles.

Ekonomiya

Agrikultura ang pangunahing industiya ng Albay. Niyog, palay , asukal, at abaka ang mga pangunahing pananim ng lalawigan. Ang mga likhang-kamay ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng mga nakatira sa liblib na pook. Pag-gugubatan at paggawa ng papel ang iba pang hanapbuhay ng mga taga-Albay. Malakas din ang turismo sa Albay dahil sa pamosong Bulkang Mayon na matatagpuan dito.

Sanggunian

Albay (hinango noong 22 Nobyembre 2007).

Wow Philippines (hinango noong 22 Nobyembre 2007).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.