Alab Petroglyph

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Alab petroglyphs ay mga sinaunang mga pigurang inukit sa mga gilid ng bundok ng mga sinaunang tao sa Bontoc. Ang petroglyphs na ito ay itinuturing na pinakamahalagang rock art carvings sa Cordillera at ang ikalawang pinakamatandang petroglyphs sa buong Pilipinas, sunod sa Angono petroglyphs sa Rizal. Pinapaniwalaang inukit ang mga pigurang ito bandang 1500 BCE, habang ang Angono petroglyphs ay sinasabing inukit sa panahon ng late Neolithic Age, o nasa 6000 hanggang 2000 BCE.

Dahil sa kahalagahan nito sa kasaysayan ng bansa, isinumite ng National Commission for Culture and the Arts mh Pilipinas ang Alab petroglyphs sa UNESCO Tentative List of Heritage Sites noong 2006, para maisama sa World Heritage List, katulad ng Singanapan charcoal-drawn petrographs ng Palawan, Angono petroglyphs ng Rizal, charcoal-drawn Peñablanca petrographs ng Cagayan at ng Anda red hematite print petrographs ng Bohol.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.