Aksyon Demokratiko

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Aksyon Demokratiko ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng dating Senador Raul Roco at kinilala ng Commission on Elections noong 1998. Si Isko Moreno, alkalde ng Lungsod Maynila, ang kasalukuyang tagapangulo ng partido.

Sa mga Nakalipas na Halalan

Noong Halalan 1998, tumakbo sa pagkapangulo si dating Senador Raul Roco sa ilalim ng kaniyang partido—ang Aksyon Demokratiko. Gayunman, nakakuha lamang siya ng 13.83 % ng kabuoang boto kung saan natalo siya ng noo’y pangalawang pangulo na si Joseph Ejercito Estrada.

Nang mapatalsik sa puwesto si Estrada noong 2001, kung saan pinalitan siya ng noo’y pangalawang pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo, nahirang si Roco bilang kalihim ng Department of Education.

Muling tumakbo sa pagkapangulo si Roco noong Halalan 2004 sa ilalim ng Aksyon Partido sa tulong ng mga kaalyansang partido. Gayunman, natalong muli si Roco at nahirang na pangulo si Arroyo.

Sinuportahan ng Aksyon Demokratiko sa pagkapangulo si Benigno S. Aquino III noong Halalan 2016 at si Grace Poe noong Halalan 2016.

Mga Opisyal

Narito ang listahan ng mga kasalukuyang opisyal ng Aksyon Demokratiko:

  • President – Isko Moreno
  • Chairperson – Ernest Ramel
  • Executive Vice President – Pasig Mayor Vico Sotto
  • Vice Chairperson – Concepcion, Tarlac Mayor Andres Lacson
  • Secretary-General – Leon Flores III (former National Youth Commission chairman)
  • Vice President for Internal Affairs – Manila Vice Mayor Honey Lacuna
  • Vice President for External Affairs – Bobbit Roco
  • Vice President for Women – May Lim
  • Vice President for Youth – Councilor Kaye Ann Legaspi
  • Deputy Secretary General – Jayson San Juan
  • Treasurer – Michael Roy Cuerpo
  • General Counsel – Normandy Baldovino
  • Executive Director – John Erdie delos Santos

Isa si Isko Moreno sa pinakamatutunog ang pangalan ng mga maaaring tumakbo sa pagka-pangulo sa Halalan 2022. Gayunman, sa mga sandaling ito ay wala pang opisyal na ipinahahayag ang partido ukol sa pagtakbong ito.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.