Aklan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas ang Aklan. Kalibo ang kabisera nito. Matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Panay ang Aklan, at ang hanggahan nito ay umaabot sa mga lalawigan ng Antique sa kanluran at Capiz sa timog-silangan. Matatagpuan sa hilaga ng Aklan ang Dagat Sibuyan at Romblon.


Nahahati sa 17 munisipalidad ang Aklan. Kabilang sa mga munisipalidad nito ang Altavas, Balete, Banga, Batan, Buruanga, Ibajay, Kalibo, Lezo, Libacao, Madalag, Makato, Malay, Malinao, Nabas, New Washington, Numancia, at Tangalan.

Kasaysayan

Aklan, kasama ang itinaguriang Capiz sa kasalukuyan, ay tinawag na “Minuro it Aklan” ng mga lumikas mula Borneo noong 1213. Dahil dito, ang Aklan ay itinuturing na pinakamatandang probinsya sa bansa. Ito ay isa sa tatlong sakop na bumubuo sa isla ng Panay. And dalawa pa ay ang Hamtic (na ngayon ay Antique) at Irong-Irong (na ngayon ay Iloilo). Ang pangalan ng unang pinuno ng Aklan ay si Datu Bangkaya. Patungo sa katapusan ng ikalabing-apat na siglo, inilipat ni Datu Dinagandan ang kabisera mula sa Batan ng pangkasalukuyan. Ito ay naganap matapos itong sakupin ng mga manlalakbay na tsino sa pamumuno ni Kalantiaw, na naging daan upang makuha niya ang trono. Noong 1433, ang apo at tagapagmana ni Kalantiaw na si Kalantiaw III ay gumawa ng mga batas na tinatawag sa kasalukuyan na Code of Kalantiaw. Isang mananaysay na nagngangalang William Henry Scott ang nagsasabi na peke raw ang mga batas na ito. Noong 1437, and maigsing pangunguno ng angkan ni Kalantiaw ay natapos noong napuksa si Kalantiaw III sa isang duwelo kalaban si Datu Manduyog, and lehitimong tagapagmana ni Datu Dinagandan. Noong namuno na si Manduyog, inilipat nya ang kabisera sa Bakan (na ngayon ay tinatawag na Banga). Mga ilan ding datu ang sumunod kay Manduyog hanggang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa Batan noong 1565. Ang namumuno noong panahong iyon ay si Datu Kabanyag at ang kanyang kabisera ay Libacao. Mula noong pinamunuan ng Espanya ang Pilipinas hanggang naitaguyod ang Pilipino bilang pambansang wika, ang Aklan ay ibinaybay na “Acean”, at ang pangunahing bayan nitong Kalibo ay ibinaybay namang “Calivo”. Naging hiwalay na probinsiya ang Aklan mula sa Capiz ayon sa Republic Act 1414 na nilagdaan ni Presidente Magsaysay noong 25 Abril 1956. Opisyal na nakilala ang Aklan noong 8 Nobyembre 1956.

Wika

Aklanon at Malaynon ang mga wikang ginagamit ng karamihan sa mga taga-Aklan. Ang iba nilang ginagamit na wika ay Ati, Hiligaynon, Kinaray-a, at Capiznon.

Relihiyon

Ang Romano Katoliko ang pangunahing relihiyon ng Aklan. Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-Aklan sa mga pagdiriwang tulad ng Pasko at Kuwaresma.

Pista ng Ati-Atihan—Ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero taon-taon bilang pagbubunyi kay Santo Niño.

Ekonomiya

Sikat ang Aklan dahil sa Boracay, na isang islang angkop para as mga turistang dumadalaw. Ito ay may isang kilometrong layo mula sa hilagang dulo ng isla ng Panay. Kilala ito para sa mga dalampasigang puti ang buhangin at tinuturing na isa sa mga pinakasikat na bakasyunan sa bansa. Dahil dito, maraming bumabiyahe patungo Kalibo at Caticlan. Pagsasaka ang pangunahing pamumuhay sa mga panloob na pook samantalang pangingisda naman sa mga panlabas. Ang mga mas mahirap na tao sa Aklan ay umiikot sa ibang probinsya at isla base sa pag inog ng ani upang makapagtrabaho bilang mga tiga-ani, lalo na sa Negros. Ang iba sa mga grupong ito ay mga menor de edad. Kahit na malago ang turismo at pagsasaka sa Aklan, naituturing pa rin itong isa sa mga mahirap na lugar sa Pilipinas dahil mahigit 30% ng populasyon nito ay sumasailalim sa tinataguriang International Poverty Line.

Yamang Hayop

Mayroong mga uri ng hayop na makikita lamang sa Aklan at ilan dito ay nanganganib nang maubos gaya ng Philippine Spotted Deer (Cervus alfredi), ang Visayan warty pig (Sus cebifrons), at ang Tarictic Hornbill (Penelopides panini). Ilang proyekto ang isinasagawa ng Aklan State University at DENR upang maprotektahan ang mga hayop na ito.


Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.