Akbayan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang AKBAYAN Citizens’ Action Party ay isang partidong politikal at progresibo sa Pilipinas. Kilala ang Akbayan sa mga pinuno at kasapi nitong aktibong tumutuligsa sa mga katiwaliang nagaganap sa gobyerno. Ito ay naitatag noong 1998 bunga ng pagsasanib puwersa ng iba’t ibang pangkat na nagsusulong ng mga pagbabagong panlipunan.[1]

Mithiin ng Akbayan ang isang participatory democracy at participatory socialism kung saan ang estado ay may kapangyarihan na isagawa ang mga awtentikong proseso ng partisipatoryong pamamahala at ang mga mamamayan ay aktibong nakikialam sa mga gawain ng pamahalaan. Patuloy rin ang pakikibaka ng Akbayan para sa patuloy na pagtatamasa ng sambayanang Pilipino ng demokrasya at ekidad at maging isang partidong politikal na salamin ng mga kaisipan ng sosyalismo, humanismo, internasyonalismo, feminismo, at environmentalismo kasama ang iba pang kilusan o samahan. Pinakamimithi ng Akbayan ang lalo pang mapalawak ang saklaw ng partipasyon ng publiko sa pambansang pagpaplano at pagdedesisyon. [2]

Kinatawan sa Kongreso

Isa ang Akbayan sa mga nananalong party-list groups na kakatawan sa Kongreso. Kabilang sa mga kinatawan nito sa Kongreso ay sina Loretta Rosales, Risa Hontiveros, Walden Bello, Barry Gutierrez, at Kaka Bag-ao.[3]

Gayunman, natalo ang Akbayan sa unang pagkakataon noong Halalan 2019 at umaasang makabawi sa Halalan 2022.

Halalan 2022

Para sa Halalan 2022, inianunsiyo ng Akbayan na ang kanilang mga nominado ay magtataguyod sa kabataan, sa kalusugan, at demokrasya. Narito ang tatlo nilang nominado: [4]

  • Unang nominado: Former National Youth Commission (NYC) Commissioner Percival Cendana
  • Ikalawang nominado: Health advocate Dr. Raymond John “RJ” Naguit
  • Ikatlong nominado: Cebu Citizens’ Assembly founder Cristina Oganiza

Mga Sanggunian

  1. “Our Story.” https://akbayan.org.ph/our-story. Accessed 6 Setyembre 2021.
  2. “Constitution.” https://akbayan.org.ph/constitution. Accessed 6 Setyembre 2021.
  3. Sofia Tomacruz. “Akbayan loses House seat for first time since 1998 polls.” Rappler, 22 Mayo 2019. https://www.rappler.com/nation/elections/akbayan-loses-house-representatives-seat-first-time-since-1998. Accessed 6 Setyembre 2021.
  4. Sofia Tomacruz. “Akbayan to field new faces for 2022 party-list polls.” Rappler, 1 Agosto 2021. https://www.rappler.com/nation/elections/akbayan-nominees-2022-party-list-polls. Accessed 6 Setyembre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.