Adobong tokwa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Adobong Tokwa ay isa sa mga pangunahing pagkaing inirerekomenda sa mga taong may kahinaan ang panunaw. Kabilang ito sa tinatawag na blend diet at sinasabing hindi nakaiirita sa bituka. Bukod pa sa madaling matunaw ang pagkaing ito ay hindi rin tumutulong sa produksyon ng asido sa sikmura. Madali itong ihanda at tunay na mataas ang sustansiyang idinudulot sa katawan.

Paraan ng Pagluluto

Maghanda ng mga sumusunod:

  • 1/4 kilo ng hiniwang tokwa
  • 1/4 tasa ng calamansi (piniga)
  • 1 ulo ng bawang, tinadtad
  • 1 bay leaf
  • 2 kutsara ng soy sauce
  • 1 kutsara ng cream, mushroom powder
  • asin (katamtaman para sa panlasa)

Paraan ng Paghahanda

  • Kung ang kakain ay maysakit: paghaluin lahat ng mga sahog. Pakuluan sa mababang apoy sa loob ng limang minuto. Bigyan ng bahagi ang maysakit,ihiwalay ang para sa ibang miyembro ng pamilya.
  • Para sa mga miyembro ng pamilya: alisan ng tubig ang pinaghalu-halong sahog.Iayos ang marinada.Iprito ang tokwa hanggang sa maging mamula-mula. Matapos iprito ang tokwa, alisan ito ng mantika. Ibalik ang ipiniritong tokwa. Ibuhos ang marinada. Pakuluan nang mahina ang apoy sa loob ng apat na minuto. Ihain nang mainit. Kasya ito sa anim na katao na may tig-iisang slice.

Sanggunian

Healing Wonders of Diet.Philippine Publishing House:1999

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.