Adobo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang adobo ay itinuturing na pambansang pagkain ng Pilipinas. Ang pagkain na ito ay binubuo ng piraso ng manok o baboy na niluluto sa toyo, suka, bawang at paminta. Ang karne ng kambing, tupa, mga gulay at pagkaing dagat ay maaari ring gawing adobo.

Ang salitang adobo ay nagmula sa salitang Espanyol na adober, na ang orihinal na kahulugan ay “bihisan ang isang mandirigma na nakabaluti”. Kinalaunan, ang naging ibig sabihin nito ay, “ayusin, buuin at pagandahin ang mga pagkain”.

Adobong Manok at Baboy

Mga Sangkap

  • ½ kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
  • ½ kilong liempo, hiniwang pakuwadrado
  • 1/3 tasang suka
  • 2 kutsarang dinikdik na bawang
  • 1 dahon ng laurel
  • 2-3 kutsarang toyo
  • ½ kutsaritang pamintang buo
  • tubig
  • 1 kutsarang mantika

Proseso

  1. Sa kaserola, paghaluin ang manok, liempo, suka, 1 kutsara ng bawang, laurel, toyo at pamintang buo.
  2. Pakuluan at pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuing walang takip ng 10 minuto. Kung medyo tuyo ay maaaring magdagdag ng kaunting tubig. Takpan at lutuin hanggang lumambot.
  3. Sa kawali, papulahin ang nalalabing bawang sa pinainit na mantika.
  4. Idagdag ang inaadobong manok at liempo. Tustahin ng kaunti at saka ibuhos ang sabaw ng adobo.

Kung nais, maari ring papulahin muna ang liempo at manok sa mantika bago idagdag ang suka, bawang, laurel, toyo, paminta at tubig.

Adobong Gulay

Mga Sangkap

  • 1 sibuyas
  • 3 pirasong bawang
  • peppercorn
  • 2 dahon ng laurel
  • 2 hanggang 4 na kutsarang mantika
  • patatas o talong na hiniwa
  • 1/4 na tasang toyo
  • 1/4 na tasang sukang paongbong o kahit anong suka
  • paminta at asukal


Proseso

Sa isang kawali, painitin ang mantika, pagkatapos ay ilagay ang peppercorn at dahon ng laurel. Kapag nagiba na ang kulay ng laurel, idagdag na ang bawang. pagkatapos ilagay ang sibuyas at prituhin hanggang maluto. Idagdag ang paminta at ang asukal at haluin ng maigi. Pagkatapos ay ang toyo at ang suka. Hinaan ang apoy tsaka ilagay ang patatas o talong. Haluin ng maigi pagkatapos ay takpan. Lutuin ng 25 hanggang 30 minuto para sa patatas at 30-45 minuto pata sa talong. Dapat ang gulay ay maging malambot ngunit hindi malata. At ihanda kasama ng kanin.


Adobong Pusit

Mga Sangkap

  • 1 1/8 na libra ng pusit
  • kalahating tasa ng suka
  • 10 piraso ng bawang
  • asin at paminta
  • 1 sibuyas
  • 1 kamatis
  • konting vet-sin

Proseso

Hugasan mabuti ang pusit bago ito lutuin. Ilagay ito sa kawali kasabay ng suka, anim na pirasong bawang, asin at paminta. Takpan at lutuin ito hanggang lumambot ang pusit.

Hiwain ang pusit sa kalahati. Dikdikin ang natirang piraso ng bawang at isangkutsa sa isang maliit na kawali. Idagdag ang sibuyas at kamatis at lutuin hanggang sa lumambot ang kamatis. Idagdag ang pusit at ang sabaw nito na pinakuluan. Hintaying maluto hanggang pitong minuto. dagdagan ng konting asin, paminta at vet-sin.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  • Sarap Pinoy: Mga Lutuing Pilipino. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 1995.
  • Sta. Maria, Felice Prudente. Philippine Culinary Vignettes and Period Recipes. Pasig: Anvil Publishing, Inc., 2006.
  • Philippine Vegie Dishes: Adobong Gulay (Hinango noong May 05, 2008)
  • Adobong Pusit (Hinango noong May 05, 2008)


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.