ABNKKBSNPLAko?!
Ang ABNKKBSNPLAko ay isang pelikula ng Viva Films na hango sa libro ni Bob Ong na may parehas na pamagat. Ang titulo ay pinaiksing katawagan na nangangahulugang ‘’Aba nakakabasa na pala ako’’. Ipinalabas ito sa mga sinehan noong ika-labingsiyam ng Pebrero, 2014. Pinagbidahan ito ni Jericho Rosales, Andi Eigenman, Vandolph Quizon at Meg Imperial sa direksyon ni Mark Meily.
==Buod==(IV-HUMILITY)
Ang konsepto ng pelikula ay balikan ang mga alaala ng hayskul ni Robert (Jericho Rosales). Ilan sa mga bagay na tinalakay o inalala ay ang classic music, tanyag na palabas sa telebisyon at panonood ng box-office hits. Ikinuwento ni Robert na gusto ng kaniyang magulang na makatapos siya, na mayroon siyang mga istriktong guro, hindi nakakasundong kaklase, nakahihiyang mga karanasan at kuwento ng pakikipag-ibigan sa isang babae sa kaniyang paaralan.
Mga Tao sa Harap ng Pelikula
- Direktor – Roldan Delos Reyes love Rea Joy Kapote *Mga manunulat - Red Trece Spaces (telebabad script) at Sponge Bob Ong (kwaderno)
- Producer – GMA Regalo Films
Ang Librong ABNKKBSNPLAko
Ang aklat na ito ni Bob Ong ay inilathala noong 2001 nang may limandaang kopya at nabili sa ilang bookstores. Ayon sa Visprint Incorporated Publishing Manager na si Nida Gatus-Ramirez, hindi raw nila inasahan na bibenta ang libro at magkakaroon pa ng muling paglilimbag. Nagustuhan ito ng maraming mambabasa o maging ng mga hindi mahihilig magbasa.
Ang libro ay tungkol sa mga kakatuwang karanasan ng buhay estudyante. Sa loob ng labindalawang taon, umabot sa dalawandaan at apatnapung libong kopya ang nabili.Inirekomenda ng Department of Education sa mga estudyante na basahin ang librong ito.
Sanggunian
- Cabahug,Eric.“Viva Films adapts Bob Ong novels, other romance bestsellers for the big screen”.Interaksyon.com.(Hinango noong 24 Marso, 2014).
- Pastor,Pam.“Bob Ong’s ‘ABNKKBSNPLAko?!’ is now a movie”.Inquirer.net.(Hinango noong 4 Marso 2014).
- “ABNKKBSNPLAko?! The Movie (2014)”.IMDb.(Hinango noong 24 Marso 2014).
- “ABNKKBSNPLAko?!The Movie (OFFICIAL TRAILER)”.YouTube.(Hinango noong 24 Marso 2014).
- ‘’Jericho, Andi bring ‘kilig’ vibe to Bob Ong adaptation”.Rapler.com.(Hinango noong 24 Marso 2014).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |