30 Hunyo 2022

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Sa 30 Hunyo 2022 ay nakatakdang magwakas ang termino ng Ika-16 Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, na nanumpa bilang pangulo anim na taon na ang nakararaan. Sa parehong araw, inaasahan ang pag-upo ng bagong pangulo—sa katauhan ni Bongbong Marcos, na nagwagi sa Halalan 2022. Ayon sa 1986 Konstitusyon, ang pangulo ng bansa ay isang beses lamang maaaring tumakbo at manungkulan bilang pangulo at hindi na maaaring maihalal pang muli. Sa araw ding ito inaasahan ang pagsisimula ng panunungkulan ng bagong Pangalawang Pangulo ng Pilipinas—sa katauhan ni Sarah Duterte na papalit kay Leni Robredo. Sina Marcos at Duterte ay magkatandem sa pagtakbo noong nakaraang halalan. Sila ay pareho ring iprinoklama sa Kamara noong 25 Mayo 2022. Pareho ring naging Pangulo ng Pilipinas ang kani-kanilang ama na sina Ferdinand E. Marcos (1965–1986) at Rodrigo Duterte (2016—2022).

Sa 30 Hunyo 2022 rin magsisimula ang panunungkulan ng mga nagwaging senador at kinatawan para sa Ika-19 Kongreso ng Pilipinas.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.