10 Trabahong Maaaring Pasukin ng Estudyante

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Sadyang mahirap ang buhay sa ngayon. Mabigat ang magpaaral ng estudyante lalo at hindi naman nadadagdagan ang kinikita ng mga magulang. Ngayong summer vacation ay ipinapayong maghanap ng sariling mapagkakakitaan na tila ba isang paglilibang na rin. Sa bahagi ng pagiging praktikal at sariling pagsisikap upang maabot ang mga pangarap, ang pansamantalang paghahanapbuhay upang makapag-ipon nang ipangtutustos sa pag-aaral ang sinasabing siyang pinakamainam na hakbang.

Narito ang ilan sa listahan ng mga "part-time jobs" na maaaring pasukin ng isang estudyante upang makatulong sa nagugugol ng pamilya at sa kanyang sariling gastos sa pag-aaral.


  • Pribadong Tagapagturo - may dalawang magandang layunin ang trabahong ito. Una,matulungan ang kanyang tinuturuan na mas mas maunawaan ang aralin nito at ikalawa, matulungan din ang mga magulang na mas mapabuti ang kapasidad ng kanilang anak na matuto ng kanyang leksyon.


  • Service Crew - maaaring pumasok ng isang restawran bilang isang service crew. Ilan sa mga sikat na food chain na kalimitan nang mga estudyante ang nagsisilbi ay ang jollibee, McDonalds at KFC. Matututunan din sa gawaing ito ang makisalamuha sa tao.


  • Manunulat - malaki ang pangangailangan para sa mga manunulat at mananaliksik. Dito ay maaari pang malinang ang iyong pagiging malikhain. Kumikita ka na, nasisiyahan ka pa sa ginagampanan mong tungkulin.


  • Dibuhista - kung may talento sa pagdidibuho, ito ang nababagay sa personalidad mo.Bihira lamang ang mga may produktibo at mayamang kaisipan na mga manlilikha. Lubusan kang maaaliw sa gawaing ito na para sa iyo ay hindi lamang isang paraan ng pagkita ng pera kung hindi ang katuparan na rin ng mundong nais mong galawan.


  • Call Center Agent - ito ang nauusong trabaho sa maraming mga kabataan sa ngayon. Repleksyon ito ng iyong pagiging eksperto at pagkabihasa sa pagsagot sa telepono ng mga pumapasok at lumalabas na transaksiyon hinggil sa takbo ng isang negosyo.


  • Student Assistant- sa paraang ito ay maraming bagay ka pang matututunan upang pagyamanin ang iyong mga kaalaman na preparasyon na rin upang mapaghandaan ang aktuwal nang paglilingkod sa isang kumpanya sa kinabukasan.


  • Fitness Instructor- isa itong matalinong desisyon lalo pa at tungkol sa kalusugan ang pag-uusapan. Ang benepisyo nito ay para na rin sa sariling kalusugan bukod pa sa nakatutulong ka sa sitwasyon ng kalusugan ng iba.


  • Sales Representative - maging isang mahusay na sales representativeng isang produktong kilala mo. kung matututunan din lamang ang sikreto ng pagiging isang matagumpay na negosyante,huwag nang mag-atubiling pasukin ang larangang ito. May pagkakataon pa upang kumita ng malaki.


  • Swimming Instructor- kung magaling din namang lumangoy,gamitin ito sa pagtulong sa iba. Isang kapaki-pakinabang na trabaho ang magturong lumangoy na isa sa mga mahalagang bagay na kailangang matutunan.


  • Care Giver - sa ngayon ay napakarami ang nais na matutunan ang larangang ito na sinasabing nangangako ng isang magandang bukas.


Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.