10 Tala sa Buwan ng Nobyembre

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Mahahalagang Tala sa Buwan ng Nobyembre

  • 1 Nobyembre 1841. Nagkaroon ng madugong bakbakan ang Cofradia de San Jose, ang kapisanang itinatag ni Apolinario de la Cruz laban sa mga kolonisador, at ang hukbong Kastila. Nagupo ang Cofradia, tumakas si de la Cruz, ngunit nabihag muli ng Kastila.
  • 4 Nobyembre 1841. Nagluksa ang buong bayan nang barilin ng mga Kastila si Apolinario de la Cruz dahil sa paghihimagsik laban sa mananakop. Samantala, pinagtibay noong 4 Nobyembre 1901 ng The Philippine Commission ang Batas sa Sedisyon. May parusang pagkakabilanggo o bitay ang sinumang mapatunayang nagsusulong ng kalayaan ng Pilipinas palayo sa pananakop ng Estados Unidos.
  • 9 Nobyembre 1774. Pinahintulutan ng herarkiya ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas na tanggapin ang mga katutubong Filipino na maging pari. Dati, tanging mga Kastila lamang ang puwedeng maging pari. Isinilang naman si Teodoro A. Agoncillo sa Lemery, Batangas noong 9 Nobyembre 1912. Si Agoncillo ay kilalang istoryador, propesor, kritiko, sanaysayista, at Pambansang Siyentipiko.
  • 14 Nobyembre 1875. Ipinanganak si Gregorio del Pilar sa San Jose, Bulakan. Si del Pilar ay heneral ng himagsikan at bayani sa bakbakan sa Pasong Tirad.
  • 15 Nobyembre 1895. Inihinto ang paglalathala ng La Solidaridad, ang pahayagang repormista na kumakalat noon sa Madrid, Espanya.
  • 17 Nobyembre 1898. Lumakas ang himagsikan, at itinatag sa sa Santa Barbara ang himpilan ng pansamantalang rebolusyonaryong gobyerno sa Kabisayaan.
  • 21 Nobyembre 1984. Namatay si Francisca Reyes Aquino. Si Aquino ay Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Sayaw, at siyang nagsaliksik, nagturo, at nagpalaganap ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas.
  • 22 Nobyembre 1894. Isinilang si José Corazón de Jesús sa Santa Cruz, Maynila. Kilala rin sa taguring Huseng Batute, at tumanyag na makata at Hari ng Balagtasan noong dekada 1920–1930.
  • 29 Nobyembre 1898. Pinagtibay ng Rebolusyonaryong Kongreso ang Saligang Batas sa Malolos.
  • 30 Nobyembre 1863. Isinilang si Andres Bonifacio sa Tundo, Maynila. Siya ang pundador ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikan.”

Sanggunian

  • Kalaw, T. M. Ang Himagsikang Pilipino. Maynila: Ang Pambansang Suriang Pangkasaysayan, 1989 & 1997.
  • Almario, Virgilio S. Filway's Philippine Almanac. Quezon City: Children's Communication Center at Filway Marketing Inc., 1991.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Tala sa Buwan ng Nobyembre Tala sa Buwan ng Nobyembre Tala sa Buwan ng Nobyembre Tala sa Buwan ng Nobyembre