10 Nangungunang Matinee Idols noong Dekada '70

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Naging mahirap para sa industriya ng pelikulang Pilipino ang dekada '70 matapos isailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos ang buong Pilipinas sa Martial Law. Pinahina ni Pangulong Marcos ang idol worship o pag-idolo sa mga aktor at aktress, at sa halip ay hinikayat ang mga tao na suportahan ang programa ng Bagong Lipunan na kaniyang itinatag.

Sa kabila ng kakulangan sa kalayaang magpahayag, maraming mga magagandang pelikula ang ipinalabas sa dekadang ito, patunay na sinuportahan pa rin ng administrasyon ang industriya ng pelikula.

Sa dekadang ito, mas naging popular ang mga mas batang aktor.

Ang sumusunod na listahan ay bunga ng aming sariling pagsasaliksik sa mga libro at magasin tungkol sa pelikulang Filipino.

Ang listahang ito ay pinili ng aming mga editor at hindi sumasalamin sa polisiya ng WikiFilipino.

Narito ang aming listahan ng 10 Nangungunang Matinee Idols Noong Dekada '70:


  1. Tirso Cruz III
  2. Edgar "Bobot" Mortiz
  3. Walter Navarro
  4. Arnold Gamboa
  5. Victor "Cocoy" Laurel
  6. Christopher de Leon
  7. Eddie Peregrina
  8. Dondon Nakar
  9. Victor Wood
  10. Rudy Fernandez

References

  • Liwayway Magazine collection of Dennis Villegas from 1970-79
  • Cruz, Isagani, Movie Times Manila, 1980