World Population Day

From Wikfilipino
Revision as of 08:29, 14 July 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Distribusyon ng populasyon noong 2016

Ang World Population Day ay isang taunang pagdiriwang tuwing ika-11 ng Hulyo upang pahalagahan ang pagpaplano ng pamilya sa buhay ng mga kababaihan at ng komunidad. Binibigyang kahalagahan ng naturang pagdiriwang ang mga kasapi ng pamilya, lalo na ang kababaihan. Isa sa patuloy na kinakampanya ng pagdiriwang ay ang pagpapababa sa kaso ng mga namamatay na kababaihan matapos magsilang. Nais din nito na balansehin ang populasyon at ang likas na yaman upang mapabuti ang kalusugan at kagalingan ng lahat ng tao sa mundo. Dagdag pa rito, hinihikayat din ang lahat ng mag-asawa na magplano sa ikauunlad ng pamilya at ng kanilang magiging mga anak.

Ang nasabing pagdiriwang ay sinimulan ng Governing Council of the United Nations Development Programme noong 1989. Ito ay dulot ng interes ng publiko sa Five Billion Day noong 11 Hulyo 1987, ang tinatayang petsa na aabot ang populasyon ng mundo sa 5 bilyong katao. Layunin ng pagdiriwang ng World Population Day na palawakin ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mga isyung kaakibat ng populasyon tulad ng pagpaplano ng pamilya (family planning), pagkakapantay-pantay sa kasarian (gender equality), kalusugan ng mga ina (maternal health), at karapatang pantao (human rights).

Ayon kay Dr. K.C. Zachariah, na nagtrabaho bilang Senior Demographer sa World Bank, aabot ng limang bilyon ang populasyon ng mundo sa ika-11 ng Hulyo 1987. Ang bilang ng populasyon ay tumataas kada taon ng 100 milyon. Ito ay umabot sa 7,400,000,000 noong Pebrero 2016, 7,500,000,000 noong Abril 2017, at 7,700,000,000 noong 2019.


Panlabas na Kawing

Sanggunian

  • July 11th - World Population Day!
  • World Population Day
  • Lartigue, Casey (2010-04-22). "Happy Earth Day! And Please, Live". The Korea Times.
  • Roser, Max; Ritchie, Hannah; Ortiz-Ospina, Esteban (2013-05-09). "World Population Growth". Our World in Data.
  • "World Population Day 2021: Empower Women To Exercise Choice Over Their Bodies And Fertility". S A NEWS. 2021-07-11. (Hinango noong 2020-07-11).
  • "World Population Day: Health And Rights Of Women In The Time Of COVID-19". NDTV.com. (Hinango noong 2020-07-11).
  • "World Population Day 2020 Date & Theme: Know History and Significance of the Annual Event That Seeks to Raise Awareness of Global Population Issues". LatestLY. 2020-07-09. (Hinango noong 2020-07-13).
  • "Worldometers real time world statistics". (Hinango noong 2017-04-22).
  • United Nations. "World Population Day". United Nations. (Hinango noong 2020-07-11).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.