Wenceslao Retana

From Wikfilipino
Revision as of 17:11, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Wenceslao Retana ay isang manunulat, administrador at Espanyol na mag-aaral ng Pilipinas.

Talambuhay

Ipinanganak si Retana sa Boadilla del Monte sa Espanya noong 1862. Nag-aral siya para maging inhinyero ng militar sa Guadalajara. Kinalaunan ay naging opisyal siya ng Ministerio de la Gobernacion. Noong 1884, sa edad na 22, itinalaga siya bilang isang financial officer ng isang hacienda sa Batangas.

Pinakasalan niya si Adela Ramirez de Arellano at nagkaroon sila ng walong anak.

Dahil sa sakit sa puso, bumalik si Retana sa Espanya noong 1890. Naitalaga siya sa iba't ibang posisyon at opisina sa pamahalaan. Nagsulat rin siya ng iba't ibang mga artikulo para sa iba't ibang mga pahayagan sa Espanya.

Gamit ang palayaw na "Desengaños", nagsulat si Retana tungkol sa iba't ibang aspekto ng buhay sa Pilipinas, mula sa cultura, politika, relihiyon at sining.

Marami sa kaniyang mga sinulat na artikulo ang nagtatanggol sa pamamahala ng Espanya sa Pilipinas. Kasama ng magkapatid na Feced, itinatag ni Retana ang La Politica de España en Filipinas, isang pahayagan na layuning sagutin ang lahat ng isyung tinatalakay nina Marcelo H. Del Pilar at ng iba pang propagandistang bahagi ng La Solidaridad.

Dahil sa kaniyang pagtatanggol sa pamamalakad ng Espanya sa Pilipinas, marami sa mga miyembro ng Kilusang Propaganda ang nagalit sa kaniya, kabilang na sina Jose Rizal, si Del Pilar at si Mariano Ponce. Isa si Rizal sa nasa listahan ng mga kaaway ng konserbatibong si Retana. Noong Agosto 1890, inilimbag niya ang artikulong La Epoca kung saan pinagtawanan niya ang sinapit ng pamilya Rizal nang palayasin sila sa kanilang lupain. Dahil dito, hinamon ni Rizal si Retana sa isang duelo. Umatras si Retana at humingi ng paumanhin kay Rizal nang malaman niyang bihasa ito sa paggamit ng baril at espada.

Sa kabila ng alitan sa pagitan ng mga repormista at ni Retana, nagbago ang kaniyang pananaw kay Rizal matapos ang pagkamatay nito noong 1896. Sa isang articulo noong Pebrero 1904 na pinamagatang "España en Filipinas: La verdad para todos", sinabi ni Retana na isang malaking pagkakamali ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ang ipag-utos ang pagbitay kay Rizal. Ang pagbabago ng kaniyang pananawa ay naipakita niya sa pagsusulat ng talambuhay ni Rizal noong 1907.

Nakilala si Retana sa kaniyang mga sinulat na may kinalaman sa kasaysayan ng Pilipinas.


Mga Sanggunian

  • De los Santos, Epifanio. 1909. "Epifanía Wenceslao E. Retana, ensayo crítico acerca de este ilustre filipinista." Establecimiento Tipográfico de Fortanet. Madrid.
  • Medina, Elizabeth. "Who Was Wenceslao Retana?" Accessed 20 May 2008.
  • Schumacher, John N. 1967. "Wenceslao E. Retana. An Historiographical Study." Philippine Studies, Vol. 10, no. 4. Manila.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.