Universal Health Care Law

From Wikfilipino
Revision as of 16:14, 2 October 2022 by Mrmagcamit (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Universal Health Care Law.

Ang Universal Health Care Law o Republic Act 10606, na kilala rin bilang Kalusugan Pangkalahatan (KP), ay isang batas na naglalayong masiguradong magkakaroon ang lahat ng Pilipino, lalo na iyong mahihirap, ng health insurance coverage mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito ay nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong Hunyo 2013. Ang batas na ito ay pagsasama-sama ng higit sa 50 panukalang batas mula sa House of Representatives at Senado upang maamyendahan ang Republic Act 7875 of 1995 na siyang lumikha sa PhilHealth.

Ang pondong ginagamit para sa Universal Health Care Law ay kinukuha sa buwis na nakokolekta sa bisa ng Sin Tax Reform Act.

Kasaysayan

Umiiral na sa Pilipinas ang Republic Act 7875 of 1995 o ang National Insurance Health Law. Gayunman, umabot hanggang 2010 na nasa 34 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang nakakukuha ng benepisyo mula sa PhilHealth, malayo sa target ng pamahalaan na 85 porsiyento na kinakailangan upang makamtan ang universal health coverage.

Noong senador pa lamang si Benigno S. Aquino III, inilatag niya ang Aquino Health Agenda (AHA) kung saan prayoridad ang universal health care. Ito ay upang tugunan ang mababang bilang ng mga nasasakop ng PhilHealth sa mga nagdaang taon at  maraming Pilipino ang nasasawi na lamang nang hindi nabibigyan nang sapat na atensiyong medikal.

Layunin din ni Aquino sa AHA na ipinatupad nang maayos ang mga batas tulad ng Magna Carta for Public Health Workers. Ito rin ang solusyon ni Aquino sa madalas na suliranin ng pagkaubos o hindi nabibigyan ng sapat na suplay ng mga gamot ang mga ospital at ibang pasilidad pangkulusagan lalo na sa mahihirap na lugar sa bansa. Ipinangako rin ni Aquino sa kaniyang AHA na nasa 5 porsiyento dapat ng pambansang badyet ang mapupunta sa sektor ng kalusugan.

Nang maupo si Aquino bilang pangulo ng bansa noong 2010, isa sa naging prayoridad niya ang universal health care. Hindi pa man naisasabatas ang pag-aamyenda sa umiiral na Republic Act 7875, layunin na ng administrasyon na iangat sa kahit 40 porsiyento ang bilang ng mga nakatatanggap ng benepisyo mula sa PhilHealth at siguruhing magiging prayoridad ang mahihirap na pamilya.

Nang malagdaan ni Aquino ang Sin Tax Reform Act noong 2012, ilang buwan lamang ay nilagdaan na rin niya ang Universal Health Care Law.

Ipinagmalaki ni Aquino sa paglagda niya ng Sin Tax Reform Act na ito ay pagpapatunay na ang kaniyang administrasyon ay tutok sa sektor ng kalusugan. Maligaya rin ang mga nasa sektor ng kalusugan kabilang ang mga doktor, at mga mambabatas na nasa likod ng bagong batas sa ginawang paglagda ni Aquino.

Layunin at benepisyo

Sa bisa ng Universal Health Care Law, naamyendahan ang umiiral na batas para sa national health insurance. Sa pamamagitan nito, ang 95 milyong Pilipino nang lagdaan ang batas ang magkakaroon ng libreng serbisyong pangkalusugan lalo na sa mahihirap, matatanda, at persons with disability (PWDs). Lahat ng lalawigan, bayan, munisipalidad, at lungsod ay sakop ng batas na ito.

Ang pondo para sa batas na ito ay mula sa Sin Tax Reform Act kung saan 85 porisyento ng buwis na nakukuha mula rito ay inilalaan sa mga programa at proyektong pangkalusugan, partikular na ang national health insurance. Noong 2013, ₱12.6 bilyon ang napunta sa health insurance ng mga mahihirap na Pilipino mula sa Sin Tax Reform Act.

Maliban sa benepisyong makukuha mula sa PhilHealth, nasa ilalim rin ng Universal Health Care Law ang pagpapalawig ng operasyon ng mga dekalidad na ospital at iba pang health care facility sa Pilipinas sa bisa ng Health Facility Enhancement Program (HFEP). Layunin nito na paunlarin ang mga ospital at iba pang pasilidad pangkalusugan tulad ng mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health (DOH), mga ospital sa mga lalawigan, mga district hospital, at mga rural health unit (RHUs).

Mga sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.