Unang Pahina

From Wikfilipino
Revision as of 01:17, 15 March 2021 by Vvargas (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
WIKIFILIPINO.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
5,777 artikulo sa Filipino at dumarami....
Wiki dilawan.png
Quincentenario.png

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit



Ang Undas, na kilala rin sa tawag na Todos los Santos o Araw ng mga Patay, ay isang pista opisyal na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas upang magbigay galang at pugay sa mga yumaong kamag-anak.

Libu-libong mga Pinoy ang dumadayo sa mga libingan at memorial parks tuwing 2 Nobyembre upang magsama-sama at alalahanin ang kanilang namayapang kamag-anak at mag-alay ng bulaklak at magtirik ng kandila.


Protagonista

edit

Si Don Crisostomo Ibarra y Magsalin ang protagonista o pangunahing tauhan ng nobelang Noli Me Tangere na isinulat ni Jose Rizal. Malimit na anyo mismo ni Jose Rizal ang namumuong imahen ng tauhang si Crisostomo sa isipan ng mga mambabasa ng nobela.

Taas-Noo Pilipino

edit


Si Andres Bonifacio (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong bayani na nakipaglaban sa mga Espanyol upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalisasyon. Isa siya sa mga nagtatag ng Katipunan o Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Si Bonifacio ay tinaguriang “Ama ng Himagsikang Pilipino.” Tinawag din siyang “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo siya ng Katipunan.


Tatak Pinoy!

edit

Ang tupig o intemtem ay isang kakaning Pilipinong gawa sa malagkit na bigas o galapong, ginayat na laman ng buko, gata ng niyog, at asukal na pula. Nakabalot din ang tupig sa dahon ng saging katulad ng ibang mga sikat na kakaning Pilipino. Nagmula ang tupig sa Hilagang Luzon, partikular sa mga lalawigan ng Pangasinan, Tarlac, at Ilocos.


Tampok na Video

edit



Ang Higantes Festival, na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente, ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga “higantes”, o mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan. Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.

Pamahalaan at Mamamayan

edit

Ang gobernador-heneral ay ang pinakamataas na posisyon at opisyal sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Hinihirang siya ng hari ng Espanya at karaniwang naglilingkod sa loob ng tatlong taon. Gayunman, may mga gobernador-heneral na sandali lamang naglingkod habang ang ilan ay nanatili sa puwesto nang mahigit pa sa tatlong taon.

Alam mo ba...

edit

Ang Chavacano o Chabacano ay isang grupo ng mga wikang kreolo na halaw sa Kastila na sinasalita sa Pilipinas. Ang uri nito na sinasalita sa Lungsod ng Zamboanga sa Mindanao ang may pinakamaraming nagsasalita. Ang isa pang uri ng Chavacano ay sinasalita sa Lungsod ng Cavite at bayan ng Ternate sa lalawigan ng Cavite sa Luzon. Chavacano ang nag-iisang kreolo sa Asya na batay sa Kastila.

Talas Salita

edit

Plahiyo

Ang plahiyo, plagiarism sa English, ang tawag sa anomang bagay na kinopya, higit ng akda. Plahiyador, plagiarist sa English, ang tawag naman sa taong nangopya ng anomang likha ng iba, higit kung inaangkin niya ito. Karaniwang mga nakasulat na akda, tulad ng kuwento at sanaysay, ang pangunahing kinokopya ng isang plahiyador.

Mga Epesyal na Pórtal

edit

Battlle and revolts.svg Aklas
Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
Fiesta Philippine Feasts.svg Pista
Piyesta Opisyal ng Pilipinas
Moda Philippine Fashion and Style.svg Moda
Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
Ph education.svg Edukasyon
Edukasyon sa Pilipinas
Philippine myths and legends.svg Panitikang Pilipino
Panitikan ng Pilipinas
Komiks The Philippine Komikopedia.svg Komiks
Mundo ng Komiks
Musika Original Pilipino Music.svg Musika
Original Pilipino Music
Ph online-travel-guide.svg Travel Guide
Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
Barangay-06.svg Mga Pambansang Pagkilala
Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
Kusina Unique Filipino Food.svg Kusina
Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
Ph Cinemapedia.svg Pelikula
Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
Encyclopedia-Filipina.svg Kababaihang Pilipino
Mabuhay ang mga Eba!
Philippine Childrens litreture.svg Chikiting
Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
Laro Traditional Philippine Games.svg Laro
Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
Ph joserizal-encyclo.svg Rizaliana
Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
Ph-memorabilia.svg Nostalhiya
Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
Etniko Philippine Ethnic Groups.svg Etniko
Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
Libro Filipiniana Books Collection.svg Libro
Bakit hindi mo subukang basahin ito?
Ph TV series.svg Teleserye
Mga teleseryeng Pilipino!
Ph flora-fauna.svg Flora at Fauna
Flora at Fauna ng Pilipinas