Unang Pahina

From Wikfilipino
Revision as of 02:44, 22 December 2020 by Allopez (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
WIKIFILIPINO.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit



Kahit patuloy ang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, isang kurso ang di-matitinag. Ito ay ang pagtuturo ng buhay, sulatin, at gawain ni Jose Rizal na bagama’t hindi opisyal ay kinikilala ng karamihang Pilipino bilang pambansang bayani. Noong Marso 1956, inihain sa Senado ng dating Senador Claro M. Recto ang Senate Bill 438 na nagsasaad na gawing required reading sa lahat ng paaralan sa Pilipinas ang dalawang nobela ni Jose Rizal—ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ayon kay Recto, ang dalawang nobela ni Rizal ay patuloy na inspirasyon ng patriyotismo na dapat taglayin ng kabataang Pilipino. Ang panukalang-batas na ito ay inisponsoran ng dating Senador Jose P. Laurel bilang Pinuno ng Komite ng Edukasyon sa Senado.


Wiki-Balita

edit

Pagsasauli ng yaman ng mga Marcos, wala pang pormal na usapan

Binasag na ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang katahimikan ng kanilang pamilya ukol sa bali-balitang ibabalik umano ng kanilang pamilya ang ilang bahagi ng kayamanan ng pamilya Marcos. Aniya, naniniwala siyang matatapos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang dekada nang pagsasakdal sa bilyon pisong ill-gotten wealth ng kanilang pamilya noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dagdag pa niya, wala pang nagaganap na pag-uusap o negosasyon ukol dito. Aniya, nag-uusap pa ang kanilang pamilya at ang kanilang mga abogado.

Ngunit, itinanggi ni Imee na may alam siya sa umano’y 7,000 toneladang ginto na itinago umano ng kanilang pamilya sa iba’t ibang bahagi ng mundo ayon kay Buhay Representative Lito Atienza. Ani Atienza, nabanggit ito noon sa kaniya ni dating First Lady Imelda Marcos noong alkalde pa siya ng Maynila ilang taon na ang nakalilipas.

Ani Pangulong Duterte, isang spokesperson ng mga Marcos na hindi na niya pinangalanan, na handang isauli ng mga Marcos ang ilan nilang yaman kabilang na ang iilang gold bars upang masolusyonan ang budget deficit ng bansa.

P170 bilyon na ng ill-gotten wealth ang nakuha noong 2016 ng Presidential Commission on Good Governance mula sa mga Marcos at kanilang mga cronies.

Taas-Noo Pilipino

edit


Sa pamilyang Pilipino, ang panganay na anak o ang pinakamatanda sa magkakapatid ay may mas mabigat na tungkulin kumpara sa mga nakababata. Malimit na nakaatang sa mga balikat ng panganay ang ilan sa mahahalagang tungkulin ng mga magulang sa pamilya, lalo na kung ang mga ito ay may mga kakulangan dulot ng masamang kapalaran. Sa Noli Me Tangere, ang mga tungkulin ng isang panganay ay maaaring masalamin sa katauhan ni Basilio. Si Basilio ang nakatatandang kapatid ni Crispin at panganay na anak nina Sisa at Pedro.

Tatak Pinoy!

edit

Chips.jpg

Ang pagkain ng mga kutkutin ay nakaugalian na ng mga Pilipino tuwing merienda. Ang mga kutkutin ay kinabibilangan ng mga pagkaing tulad ng mga tsitsirya, na mabibili ng pwedeng kainin at ginagamitan lamang ng kamay sa pagkain. Bagama't naging popular na ang pagkain ng mga ito tuwing oras ng meryenda, hindi naman limitado sa ganitong oras ang pagkonsumo sa mga ito. Popular ang kutkutin sa lahat ng parte ng Pilipinas. Makikitang kumakain nito ang mga tao sa kalsada, mga nanonood ng telebisyon sa kanilang tahanan, mga magkakaibigang nasa eskwelahan, mga taong nagtatrabaho at marami pang iba.


Tampok na Video

edit


Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng mga Amerikano, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.

Ngayong Buwan...

edit

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade. Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.

Alam mo ba...

edit

Noong unang panahon, wala pang apelyidong ginagamit ang mga Pilipino. Pormal lamang na gumamit tayo ng apelyido dahil kay Narciso Claveria, gobernadorheneral ng Pilipinas mula 1844 hanggang 1849. Si Claveria ay sumulat ng Catalogo Alfabetico de Apellidos, isang aklat na naglalaman ng mga apelyidong maaaring pagpilian ng mga Pilipino. Ang mapipiling apelyido ay gagamitin habambuhay. Ipinamahagi ito sa buong bansa noong 1849 upang magkaroon ng maayos na talaan ang lahat ng Pilipinong naninirahan sa Pilipinas. Ang katalogo ay may 141 pahina na naglalaman ng 60,662 apelyido. Ang mga apelyidong matatagpuan dito ay may impluwensiya ng wikang Spanish. Isinaalang-alang din ang mga katutubong salita dahil inatasan ni Claveria ang mga prayle na mangalap ng mga salita na malimit gamitin sa pook kung saan sila nagsisilbi.

Mga Kasabihan at Salawikain

edit

Anonimos


"Ang buhay ay parang tanghalan
Lahat tayo ay may papel na ginagampanan."