Unang Pahina

From Wikfilipino
Revision as of 02:40, 22 December 2020 by Allopez (talk | contribs) (Created page with "{{Unang Pahina1}} {{Unang Pahina2}}")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
WIKIFILIPINO.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
866 artikulo sa Filipino at dumarami....

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki



Ang Gomburza ay pinaikling pangalan para sa tatlong Pilipinong paring sekular na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Sila ay hinatulan ng kamatayan ng mga Kastila noong 17 Pebrero 1872 sa Bagumbayan (Luneta sa kasalukuyan) dahil sa kanilang pagkakasangkot sa pag-aalsa sa Cavite (Cavite Mutiny) noong 20 Enero 1871.

Pinag-initan sila ng mga Kastila matapos nilang isulong at ipaglaban ang pantay na karapatan ng mga pari lalo pa tungkol sa sekularisasyon. Ito ay nagdulot ng gusot o di pagkakasundo sa pagitan ng mga relihiyoso at hindi. Naging mitsa rin ito ng kampanya laban sa mga paring Kastila.


Wiki-Balita

edit

5.6 milyong dosis ng COVID-19 vaccine, darating sa Pilipinas sa unang kuwarter ng 2021

Inaaasahan ang pagdating sa Pilipinas ng 5.6 milyong dosis ng Pfizer-BioNtech at AstraZeneca coronavirus vaccines sa unang quarter ng 2021. Ayon sa pahayag ni Secretary Carlito G. Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, nakatanggap sila ng liham mula kay Aurelia Nguyen, managing director ng World Health Organization-led COVAX facility, na matatanggap ng ating gobyerno ang 9,407,400 dosis mula sa dalawang kompanya.

Sa kalagitnaan ng Pebrero ay darating ang 117,000 dosis ng Pfizer-BioNtech vaccines habang ang tinatayang 5.5 hanggang 9.2 milyong dosis na manggagaling sa AstraZeneca ay darating hanggang sa katapusan ng buwan.

Samantala, nakatakdang bisitahin ng National Task Force Against COVID-19 ang mga lugar sa Pilipinas sa mga susunod na linggo upang imonitor ang mga paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at mga pribadong sektor sa pagdating ng vaccines.

Kabilang sa mga priyoridad na babakunahan ay ang healthcare workers, senior citizens, indigent population, at uniformed personnel. Tiniyak naman ni Galvez na sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte, makukuha ng ating gobyerno ang target nitong 148 milyong dosis ng ligtas, epektibo, at libreng bakuna para sa 70 milyong Pilipino at magkaroon ng herd immunity sa loob ng taong 2021.

Pinaalalahanan din ni Galvez ang publiko na patuloy na sumunod sa mga health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, pagpapanatili ng social distancing, at palagiang paglilinis ng katawan. Dagdag pa niya, mahalaga rin ang pakikipagtulungan ng mga Pilipino upang matiyak ang pagkakaroon ng ligtas na bakuna para sa lahat.

Taas-Noo Pilipino

edit


Si Lapulapu ay ang datu ng Mactan sa Cebu at unang Pilipino na lumaban sa mga dayuhan matapos nitong magapi si Ferdinand Magellan at ang hukbo nito sa Labanan sa Mactan na naganap noong 27 Abril 1521. Dahil dito, naudlot nang 40 taon ang pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Itinuturing din siya na unang bayaning Pilipino. Kakaunti lamang ang naisulat na nagsasalaysay patungkol sa buhay ni Lapulapu. Ang tanging pangunahing sanggunian lamang ng mga historyador ay ang mga salaysay ni Antonio Pigafetta. Dahil dito, nananatiling usapin at paksa sa mga pag-aaral ang pangalan, buhay, at pinagmulan ni Lapulapu.

Tatak Pinoy!

edit

Ukay Ukay Plaza Miranda,Quiapo,Manila.jpg

Ang salitang "ukay-ukay" ay nangangahulugan nang "paghanap" o "paghalukay" sa salitang Cebuano. Sa bandang norte ng Pilipinas, tinatawag itong "wag-wag" na ang ibig sabihin ay "pagpagin". Ang ukay-ukay ay tumutukoy sa paraan nang paghahanap at pagpili ng damit mula sa isang malaking lalagyan, kung saan ang mga ito ay nakatumpok. Ngayon, sa ilang ukay-ukay ay nakaayos o naka-hanger na ang mga damit para madaling piliin. Ang wag-wag naman ay tumutukoy sa pagpagpag ng damit matapos ito piliin, dahil karamihan sa mga ito ay second-hand o luma na, pero maaari pang gamitin.


Tampok na Video

edit


Ang Ibong Adarna ay kilala noong panahong ng mga Espanyol sa orihinal na pamagat na Corrido at Buhay Nang Tatlong Principeng, Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Caharian ng Berbania (Life and Story of the Adventures of the Three Princes, Sons of King Fernando and Queen Valeriana of the Kingdom of Berbania). Walang tiyak na petsa kung kailan ito nailimbag.Wala ring tiyak na patunay sa pagkakakilanlan ng orihinal na may-akda nito.

Ngayong Buwan...

edit

Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista.

Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Alam mo ba...

edit

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, may mga Pilipinong sapilitang pinagtrabaho ng pamahalaan. Ang polisiyang ito ay tinatawag na polo y servicio na ipinatupad sa Pilipinas sa loob ng mahigit 250 taon. Sa ilalim ng polisiya, ang lahat ng kalalakihang may edad 16 hanggang 60 taon ay ipinadadala sa iba’t ibang lugar sa bansa para magtrabaho sa loob ng 40 araw kada taon. Ang mga polista, tawag sa mga trabahador, ay kailangang magtrabaho sa ilalim ng pamahalaan. Ang paggawa ng mga bagong daan at tulay, pagtatayo ng mga gusali at simbahan, pagputol ng mga puno sa kagubatan, pagtatrabaho sa mga barko, at pagsisilbi sa militar ang ilan sa mga sapilitang ipinagagawa sa mga polista. Samantala, ang mga prinsipalya o ang mayayaman at makapangyarihang Pilipino sa mga panahong iyon ay hindi na kailangang maglingkod sa ilalim nito. Kailangan lamang nilang magbayad ng falla o ang taunang buwis na nagkakahalaga ng pitong piso. Ang mga guro at lokal na opisyal ay hindi na rin kailangang magtrabaho sa ilalim ng polisiya sapagkat nakapaglilingkod na sila sa pamahalaan.


Mga Kasabihan at Salawikain

edit

Ika-80 saknong ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas


"“O pagsintang labis ng kapangyarihan

sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninoman,

hahamaking lahat masunod ka lamang!”"