Unang Pahina
|
Tampok na Artikulo
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang monkeypox ay isang viral zoonotic disease. Sa madaling salita, ito ay nakahahawang sakit sa tao at sa hayop, at kadalasang nagaganap sa mga tropical rainforest ng Gitna at Kanlurang Africa na nakararating sa iba’t ibang rehiyon. Noong 29 Hulyo 2022, inianunsiyo ng Kagawaran ng Kalusugan ang unang naitalang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Protagonista
Isinilang si Kenkoy sa mundo ng komiks na unang nailathala sa magasing Liwayway, noong 11 Enero 1929, sa lingguhang comic strip na pinamagatang “Mga Kababalaghan ni Kenkoy.” Ito ay iginuhit ni Tony Velasquez at nilapatan ng iskrip ni Romualdo Ramos. Dahil nalikha sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ang iskrip nito ay pinaghalong Tagalog at English. Ito ang nagpasimula ng “barok na English.”
Taas-Noo Pilipino
Si Artemio Ricarte, kilala bilang Vibora, ay isang heneral noong panahon ng Rebolusyong Pilipino. Siya ay naging tapat na Katipunero at kasamahan ni Andres Bonifacio, at matapos mamatay ng huli, umanib naman si Ricarte kay Emilio Aguinaldo para sa kalayaan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol at Amerikano.
Tatak Pinoy!
Ang “Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan” (1896) na isinulat ni Emilio Jacinto ay kilala rin sa tawag na “Kartilya ng Katipunan.” Ito ay naglalaman ng 14 kaisipan na nagsasaad ng pangkalahatang tuntunin o prinsipyo ng mga Katipunero sa panahon ng pagtataguyod ng Katipunan.
Tampok na Video
Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878–1 Agosto 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at unang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt na nagsilbi mula 1935 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1944. Kilala rin si Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa” matapos niyang ideklara ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ng Pilipinas noong 1937.
Pamahalaan at Mamamayan
Si Juan Miguel Zubiri (isinilang noong 13 Abril 1969) ay negosyante at politikong nagsisilbi bilang senador ng Pilipinas simula pa noong 2007. Sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, si Zubiri ang nahirang na Pangulo ng Senado para sa Ika-19 Kongreso. Siya ay naging Lider ng Mayorya sa Senado mula 2018–2022. Dati rin siyang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Bukidnon noong 1998 hanggang 2007.
Alam mo ba...
Ang Buwan ng Wika, tinatawag ding Buwan ng Wikang Pambansa, ay isang pagdiriwang na ginagawa sa Pilipinas tuwing Agosto. Ito ay buong buwang pagdiriwang para sa kahalagahan ng opisyal na wikang pambansa— ang Filipino. Noong una, ito ay ginaganap lamang sa loob ng isang linggo, na tinawag noong Linggo ng Wika.
Talas Salita
Noong panahon ng mga Espanyol, tinatawag na kartilya (nagmula sa salitang cartilla) ang maliliit na aklat na ginagamit sa mga paaralang pang-elementarya. Naglalaman ito ng mga aralin ukol sa pagbasa at ng mga dasal. Ang kartilya ay nangangahulugan din bilang batayan ng mga panuntunan na dapat sundin sa isang samahan o lipunan.
Mga Epesyal na Pórtal
![]() |
Aklas Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
|
![]() |
Pista Piyesta Opisyal ng Pilipinas
|
![]() |
Moda Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
|
![]() |
Edukasyon Edukasyon sa Pilipinas
|
![]() |
Panitikang Pilipino Panitikan ng Pilipinas
|
![]() |
Komiks Mundo ng Komiks
|
![]() |
Musika Original Pilipino Music
|
![]() |
Travel Guide Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
|
![]() |
Mga Pambansang Pagkilala Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
|
![]() |
Kusina Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
|
![]() |
Pelikula Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
|
![]() |
Kababaihang Pilipino Mabuhay ang mga Eba!
|
![]() |
Chikiting Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
|
![]() |
Laro Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
|
![]() |
Rizaliana Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
|
![]() |
Nostalhiya Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
|
![]() |
Etniko Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
|
![]() |
Libro Bakit hindi mo subukang basahin ito?
|
![]() |
Teleserye Mga teleseryeng Pilipino!
|
![]() |
Flora at Fauna Flora at Fauna ng Pilipinas
|