Unang Pahina

From Wikfilipino
Revision as of 02:40, 22 December 2020 by Allopez (talk | contribs) (Created page with "{{Unang Pahina1}} {{Unang Pahina2}}")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
WIKIFILIPINO.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
908 artikulo sa Filipino at dumarami....
Quincentenario Banner.svg

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki



Ngayong 2021, ipinagdiriwang ang ‘’’Quincentennial Commemoration in the Philippines’’’ kung saan ginugunita ang ilan sa mahahalagang pangyayari noong 1521 sa pangangasiwa ng National Quincentennial Committee (NQC, na nilikha sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 55, s. 2018.) Ilan sa mga pangunahing pagdaraos ay ang ika-500 anibersaryo ng pagtatagumpay sa Labanan sa Mactan at ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa unang sirkumnabegasyon ng mundo. Pinangungunahan naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP o Kapulungan ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas) ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.


Wiki-Balita

edit

DepEd Sec. Briones, kinilala at pinuri ang mga bagong student-leader

Kinilala at pinuri ni Department of Education Sec. Leonor Magtolis Briones ang mga bagong student-leader mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa sa ginanap na National Assembly of Division Federation Officers noong 20 Pebrero 2021. “Kailangan kasali ang kabataan sa paggawa ng polisiya ng Departamento. At yung ating mga tinuturo ay relevant at meaningful sa inyo,” pahayag ni Briones. Sa pamamagitan ng Zoom video conference, nanumpa ang 226 opisyal ng Supreme Student Government (SSG). Isa-isa ring sinagot ng kalihim ang kanilang mga tanong hinggil sa mga usaping pang-akademiko, pambansang palaro, kinabukasan ng edukasyon sa Pilipinas, at iba pang kaugnay na paksa. “Marami sa aming polisiya ay nanggagaling sa mga kabataan, through consultation, pero gusto namin gawing pormal through your federations,” dagdag ng kalihim. Hinikayat din ni Briones ang mga mag-aaral na rebyuhin at magbigay ng kaisipan sa pag-a-update ng mandato ng SSG, na kasalukuyang nakabatay sa DepEd Order No. 049, s. 2011. Tinalakay rin ng kalihim ang mga isyu at pagsubok sa kasalukuyan, kabilang na ang paglaganap ng mali at pekeng balita. Nagbahagi rin ng ulat ang mga mag-aaral na kinatawan ng mga rehiyong Calabarzon, VII, XI, X, at XII tungkol sa kani-kanilang inisyatiba. Kasama rin sa pagpupulong ang 226 gurong tagapayo.


Taas-Noo Pilipino

edit


Si Francisca Reyes Aquino, isang edukador, guro at nasyonalista, ay ang unang babaeng ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw sa bansa. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw. Siya rin ang nagtatag ng Filipiniana Folk Dance Troupe at The University of the Philippines Dance Troupe.

Tatak Pinoy!

edit

Halo-Halo Special.JPG

Ang haluhalo ay patok na meryenda at panghimagas sa mga Pilipino lalo na kung tag-init. Karaniwang makikita sa mga gilid ng lansangan ang maliliit na tindahan na nag-aalok ng haluhalo. Sangkap nito ang pinaghalo-halong minatamis na abitsuwelas, saging na saba, langka, nata de coco, sago, kaong, at tustadong pinipig na inihahanda sa isang baso o mangkok kasama ang kinaskas na yelo, gatas na evaporada, at asukal. Katakam-takam na pang-akit sa paningin at panlasa ang sorbetes, leche flan, at haleang ube na karaniwang nasa ibabaw ng siksik nitong sangkap. Bukod sa mga nabanggit, maaari pa itong dagdagan ng anomang naising pampasarap tulad ng mangga, mais, melon, gulaman, at mani.


Tampok na Video

edit



Si Ang Kiukok (Davao, 1 March 1931-9 May 2005) ay isang Pilipinong modernong pintor na kilala para sa kanyang mga dibuho na may mga nakakatakot at nakakaistorbong imahen sa estilong cubist at expressionist. Noong 2001, itinuring siyang Pambansang Alagad ng Sining. Nag-aral siya ng pagpipinta sa [[Unibersidad ng Santo Tomas noong 1952 hanggang 1954. Ilan sa kaniyang mga guro ay ang mga kilalang pintor at iskultor na sina Vicente S. Manansala, Victorio Edades, Carlos "Botong" Francisco, Galo B. Ocampo at ang Italyanong iskultor na si Francesco Monti.

Ngayong Buwan...

edit

Ang Pintados de Pasi Festival ay taunang pagdiriwang na dinaraos tuwing ikatlong linggo ng Marso sa probinsiya ng Iloilo. Itinaon ang kapistahan sa petsa kung kailan naging siyudad ang Passi, Marso 14, 1998. Ang selebrasyong ito ay sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng Passi, Iloilo. Pangunahing bahagi ng Pintado de Pasi Festival ang sayawan ng mga taong napapalamutian ng tradisyunal na tattoo sa buong katawan. Sa saliw ng musikang lumalabas mula sa tambol, plastik at kawayan umiindayog ang mga mananayaw. Ang itaas na bahagi ng kanilang katawan animo’y alon na marahang hinahampas ng hangin. Mayroon ding talon, ikot, lukso at pagsipang paggalaw na parang isang mandirigma.

Alam mo ba...

edit

Ang Boxer Codex ay isa sa mga sinaunang dokumento na nagsasalaysay sa unang pakikipag-ugnayan ng mga Espanyol sa Silangat at Timog-silangang Asya, partikular ang Pilipinas. Ito ay isang mahalagang manuskrito noong ika-16 siglo na binubuo ng 307 pahina. Anonimo kung sino o sino-sino ang nagsulat nito na naglalaman ng mga paglalarawan at maikling kasaysayan ng Pilipinas at mga karatig-bansa sa Asya. Bukod sa mga nakalimbag na talâ, naglalaman din ito ng 75 makukulay na larawan ng iba’t ibang pangkat etniko sa mga kolonya ng Espanya. Labinlimang larawan ang nagpapakita ng mga katutubong Pilipino.


Mga Kasabihan at Salawikain

edit

Anonimos


"Ang bubog kung tinatamaan ng

nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning;
ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot.” – mula sa “Ang Ningning at ang

Liwanag” ni Emilio Jacinto"


'