Difference between revisions of "Unang Pahina"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
m (Reverted edits by Aabenoja (talk) to last revision by Allopez)
Tags: Replaced Rollback
Line 1: Line 1:
 +
{{Unang Pahina1}}
 +
{{Unang Pahina2}}
 
__NOTOC__
 
__NOTOC__
 
 
Si '''Manuel Luis Quezon y Molina'''<ref name=NBK></ref> (19 Agosto 1878&nbsp;– 1 Agosto 1944) ay ang ikalawang [[Pangulo ng Pilipinas|Pangulo]] ng [[Pilipinas|Republika ng Pilipinas]] (15 Nobyembre 1935&nbsp;– 1 Agosto 1944) na makikita sa dalawampung pisong papel na isyu ng [[Bangko Sentral ng Pilipinas]]. Siya ang kinilala bilang ikalawang [[pangulo ng Pilipinas]], kasunod ni [[Emilio Aguinaldo]] (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).
 
[[Talaksan:Quezon.jpg|thumb|right|Si Manuel L. Quezon noong kanyang kabataan]]
 
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa [[Baler]], sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong [[Aurora]]) noong 19 Agosto 1878.
 
Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro.  Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa [[Colegio de San Juan de Letran]] noong 1893.<ref name=NBK/> Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila.  Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng [[Digmaang Pilipino-Amerikano]], bilang katulong ni Emilio Aguinaldo.  Naipakulong siya dahil sa gawaing ito.  Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.<ref name=NBK/>
 
 
Naging manananggol si Quezon sa Baler.  Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya.  Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas.  Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (''Jones Act''), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino.  Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.<ref name=NBK/>
 
 
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas.  Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina [[Emilio Aguinaldo]] at Obispo [[Gregorio Aglipay]].  Muli siyang nahalal noong 1941.<ref name=NBK/>
 
 
Pagkaraan ng pananakop ng [[Hapon]] sa Pilipinas sa panahon ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], tumakas siya papuntang [[Australya]], at pagkaraan nagtuloy sa [[Estados Unidos]].  Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.<ref name=NBK/>
 
 
Nagkasakit ng [[tuberkulosis]] si Quezon at namatay sa [[Saranac Lake]], [[Franklin Country]], [[New York]] noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.<ref name=NBK/>  Unang inilibing ang kanyang labi sa [[Arlington National Cemetery]]. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa [[Maynila]], sa [[Manila North Cemetery]] at inilipat sa [[Lungsod Quezon]] sa loob ng monumento sa [[Quezon Memorial Circle]].
 
 
Ipinangalan sa kaniya ang [[Lungsod ng Quezon]] sa [[Kalakhang Maynila]] at ang lalawigan ng [[Quezon]]. Siya rin ay tinawag bilang '''Ama ng Wikang Pambansa'''.
 
 
==Talambuhay==
 
===Maagang buhay===
 
Si Quezon ay ipinanganak sa [[Baler]] sa distrito ng El Principe. Ang kanyang mga magulang ang mga Espanyol na sina Lucio Quezón at María Dolores Molina. Ang kanyang ama ay isang guro ng panimulang baitang mula sa [[Paco, Maynila]] at isang retiradong sarhento ng hukbong Espanyol samantalang ang kanyang ina ay isang guro ng panimulang baitang sa kanilang bayan.
 
 
Siya ay nag-aral sa mga panimulang baitang sa mga libreng pampublikong paaralan na itinatatag ng mga Espanyol sa Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran sa mataas na paaralan. Noong 1898, ang kanyang ama at kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinaslang habang pauwi sa Baler mula Nueva Ecija. Noong 1899, si Quezon ay huminto sa kanyang pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila upang sumali sa pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na pinamunuan ni [[Emilio Aguinaldo]]. Noong [[Digmaang Pilipino-Amerikano]], siya ay isang ayuda-de-campo kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa ranggong Major at lumaban sa Bataan. Pagkatapos niyang sumuko noong 1900, si Quezon ay bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kanyang pag-aaral at nakapasa sa mga eksaminasyon sa batas noong 1903 na naging ikaapat sa mga kumuha nito.
 
 
Siya ay nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor. Siya ay pumasok sa serbisyong pampamahalaan bilang hinirang na piskal ng [[Mindoro]] at kalaunan ng [[Tayabas]]. Siya ay naging konsehal at nahalal na gobernador ng Tayabas noong 1906.
 
 
Pinakasalan ni Quezon ang kanyang unang pinsan na si Aurora Aragon noong 17 Disyembre 1918. Sila ay may apat na anak.
 
 
===Kongreso===
 
====Kinatawan====
 
Si Quezon ay nahalal sa unang Asembleyang Pilipino noong 1907 na kalaunang naging [[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas]]. Siya ay naglingkod na majority floor leader at chairman of the committee sa mga apropriasyon. Mula 1909–1916, siya ay nagsilbing isa sa dalawang mga [[komisyoner sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados]]. Siya ay naglobby para sa pagpasa ng mga kinatawan ng Estados Unidos ng Philippine Autonomy Act o [[Jones Law]].
 
====Senado====
 
Si Quezon ay bumalik sa Maynila noong 1916 at tumakbo at nahalal sa [[Senado ng Pilipinas]]. Siya ay kalauanng naging Pangulo ng Senado sa 19 taon hanggang 1935. Pinamunuan niya ang unang Indendiyenteng Misyon sa [[Kongreso ng Estados Unidos]] noong 1919 na nagpasa ng [[Batas Tydings-McDuffie]] noong 1934. Noong 1922, siya ay naging pinuno ng [[Partido Nacionalista]].
 
 
===Bilang Pangulo===
 
[[File:Manuel Quezon first inauguration.jpg|thumb|300px|Inaugurasyon ni Manuel L. Quezon bilang pangulo noong 15 Nobyembre 1935.]]
 
Noong 1935, Si Quezon ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas. Nakamit niya ang 68% laban kina [[Emilio Aguinaldo]] at [[Gregorio Aglipay]]. Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni Aguinaldo.
 
====Unang Termino====
 
=====Ekonomiya=====
 
Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Estados Unidos ay matatag. Ang kalakalang pandayuhan ay umabot sa kasagsagang 400 milyong piso. Ang pagluluwas ng mga pananim ay maganda maliban sa tabako. Ang halaga ng mga inululuwas ng Pilipinas ay umabot ng 320,896,000 piso na pinakamataas simula 1929. Ang mga kinita ng pamahalaan ay umabot ng 76,675,000 piso noong 1936 mula 65,000,000 piso ng nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto ay tumaas ng mga 37% at ang bakal sa halos 100% samantalang ang produksiyon ng semento ay lumaki ng 14%. Ang National Economic Council ay nilikha ng batas. Ito ay nagpapayo sa pamahalaan sa mga tanong na pang-ekonomiya at pangsalapi kabilang ang pagtataguyod ng mga industriya, dibersipikasyon ng mga pananim, mga taripa, pagbubuwis at pagbuo ng programang pang-ekonomiya.
 
 
=====Pambansang wika=====
 
 
Ang isang probisyon sa konstitusyong ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil sa pambansang wika ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa na itinatag noong 1936 ay nagrekomenda na ang wikang Tagalog ang gawing basehan ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si [[Jaime C. de Veyra]]. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pag-tanggap ng pambansang wika sa loob ng dalawang taon mula dito.
 
 
=====Karapatang pagboto ng mga kababaihan=====
 
Sinimulan ni Quezon ang karapatang pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935 konstitusyon ay nag-aatas na ang karapatan ay maipagkakaloob kapag ang hindi kaunti sa 300,000 ay aayon sa plebisito. Ang pamahalaan ni Quezon ay nag-utos ng isang [[plebisito]] noong 3 Abril 1937. Ang kinalabasan ng plebisito ay pag-ayon ng 447,725 laban sa pagtutol na 44,307
 
 
=====1940 plebisito=====
 
Kasabay ng mga lokal na halalan noong 1940, ang isa pang [[plebisito]] ay idinaos upang pagtibayin ang iminungkahing mga susog sa Konstitusyon hinggil sa pagpapanumbalik ng [[lehislatura]]ng [[bikameral]], ang termino ng pangulo na itatakda sa apat na taon na may isang muling paghalal at ang pagtatatag ng independiyenteng Komisyon sa Halalan. Ang mga susog ay pinagtibay at sina Speaker Jose Yulo at Assemblyman Dominador Tan ay tumungo sa Estados Unidos upang kunin ang pagpapatibay ni Pangulong [[Franklin D. Roosevelt]] na ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940. Pagkatapos ng dalawang araw, ito ay prinoklama ni Quezon.
 
====Ikalawang termino====
 
Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay [[Juan Sumulong]].
 
 
=====Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ni Quezon sa Estados Unidos=====
 
[[File:Correg-japanese-landing.jpg|thumb|Paglapag ng mga Hapones sa [[Corregidor]] noong 5 Mayo 1942.]]
 
[[File:Quezon Roosevelt.jpg|thumb|Si Quezon kasama ni Pangulong [[Franklin D. Roosevelt]] sa Washington, D.C. sa Estados Unidos noong 13 Mayo 1943.]]
 
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng [[Hapon]] sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina Heneral [[Douglas MacArthur]] at Quezon ay lumikas sa [[Bataan]] noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon ay pinayuhan ni Macarthur na lumikas sa [[Corregidor]] kung saan isinagawa ang kanyang inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop ng [[Hapon]] ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng [[Labanan ng Corregidor]]. Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter sa [[Washington, D.C.]]. Doon ay nagsilbi siyang kasapi ng Pacific War Council at lumagda sa deklarasyon ng United Nations laban sa mga [[kapangyarihang Aksis]]. Kanya ring isinulat ang kanyang sariling talambuhay.
 
 
Binuwag ni Heneral [[Masaharu Homma]] ang [[Komonwelt ng Pilipinas]] at itinatag ang  Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si [[Jorge B. Vargas]] ang unang chairman noong Enero 1942. Ang [[KALIBAPI]] o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109&nbsp;ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni [[Artemio Ricarte]] na ibinalik ng mga Hapones mula sa [[Yokohama]]. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro [[Hideki Tōjō]] noong 6 Mayo 1943 ay nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng [[Pan-Asyanismo]] nito o Asya para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni [[Jose P. Laurel]] na nagtanghal ng draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina [[Jose P. Laurel]] bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino bilang unang speaker nito. Itinaas nina Aguinaldo at Ricarte ang watawat ng Pilipinas.
 
 
Ayon sa [[Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935]], ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo na si [[Sergio Osmeña]] ang automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney General [[Homer Cummings]] na umayon kay Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong [[Franklin D. Roosevelt]] ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena sa [[Kongreso ng Estados Unidos]] na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.
 
 
===Kamatayan===
 
[[File:Tomb of President Manuel Luis Quezon.jpg|alt=|thumb|300x300px|Nitso ni Pangulong Quezon at kanyang butihing maybahay na matatagpuan sa Dambana ni Quezon sa [[Quezon Memorial Circle]], [[lungsod Quezon]]]]
 
Si Quezon ay nagkasakit ng [[tuberkolosis]] at gumugol ng kanyang huling taon sa cottage sa [[Saranac Lake]] sa [[New York]] kung saan siya namatay noong 1 Agosto 1944. Siya ay inilibing sa [[Arlington National Cemetery]] sa Estados Unidos. Ang kanyang katawan ay kalaunang muling inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila noong 17 Hulyo 1946 bago inilipat sa [[Quezon Memorial Circle]] noong 19 Agosto 1979.
 
 
==Sipi==
 
Si Quezon ay nahirang na residenteng komisyoner ng Pilipinas sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 1909-1916. Kanyang masiglang ipinaglaban ang pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa pamamahala ng Estados Unidos at nagkaroon ng mahalagang papel sa pagpasa ng [[Kongreso ng Estados Unidos]] ng [[Batas Jones]] noong 1916 na nagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.
 
 
 
== Mga sanggunian ==
 
 
 
== Silipin din ==
 
* [[Kasaysayan ng Pilipinas]]
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
[[Category:Mga pangulo ng Pilipinas]]
 
[[Category:Mga Pilipinong liping-Kastila]]
 
[[Category:Mga Tagalog]]
 
[[Category: Hango mula sa Wikipedia]]
 

Revision as of 09:28, 11 March 2021

WIKIFILIPINO.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
5,472 artikulo sa Filipino at dumarami....
Quincentenario Banner.svg

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit



Isa nang matatag na lipunan ang Maynila bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ang pangalang Maynila ay pinaniniwalaang nagmula sa dalawang termino: (1) may nilad na nangangahulugang “lugar na may bakawan” o “mga puno na may puting bulaklak” at (2) may nila na tumutukoy sa “kulay na nagmumula sa parehong halaman.”


Protagonista

edit

Si Simoun ay ang mayaman, liberal, tuso, at mapanghimagsik na pangunahing tauhan ng El Filibusterismo. Siya ang nagbalátkayông si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti at itakas sa kumbento si Maria Clara. Nagbalik siya bilang isang alahero na bitbit ang napakaraming kayamanan, tulad ng mga antigong brilyante, kuwintas, hikaw, at perlas, na ipinagbibili niya sa mayayaman at may matataas na katungkulan sa pamahalaan.

Taas-Noo Pilipino

edit


Si Bienvenido Lumbera (11 Abril 1932–28 Setyembre 2021) ay isang Pilipinong manunulat ng tula at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Siya ay nakatanggap ng Ramon Magsaysay Award para sa Pamamahayag, Panitikan, at Malikhaing Sining ng Komunikasyon. Siya rin ay dinadakilang alagad ng panitika na nagwagi sa iba’t ibang patimpalak sa pagsulat tulad ng National Book Awards ng National Book Foundation at Carlos Palanca Memorial Awards. Pumanaw si Lumbera noong 28 Setyembre 2021 sa kaniyang tahanan sa Lungsod Quezon dahil sa komplikasyon ng stroke, na nagsimula noong Hunyo 2021.


Tatak Pinoy!

edit

Sa Kanlurang Visayas, ang “Dandansoy” ay itinuturing na pinakapopular na awiting-bayan na nag-ugat sa Isla ng Panay. Kabilang ang awiting-bayan sa pasalitang tradisyon ng panitikan na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Dahil dito, karaniwan nang hindi kilala o hindi matutukoy kung sino ang orihinal na lumikha o kung kailan ito nalikha. Tulad ng karamihang awiting-bayan, ang “Dandansoy” ay may tema ng pag-ibig. Tungkol ito sa pamamaalam ng isang dalaga kay Dandansoy. Ang popularidad ng “Dandansoy” ay maaaring dulot ng pagkakalathala nito sa lokal at internasyonal na daluyan. Dalawang beteranong aktres at mang-aawit ang may sariling bersiyon ng awiting ito: si Nora Aunor sa album niyang Mga Awiting Pilipino (1972) at si Pilita Corrales sa album niyang Mga Awit ng Pag-ibig (1991).


Tampok na Video

edit


Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Lungsod Bacolod, Negros Occidental tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa mga pinakamakukulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Parada ng mga taong nakasuot ng makukulay na kasuotan at ng nakangiting maskara ang pangunahing atraksiyon tuwing ipinagdiriwang ito. Nagmula ang terminong MassKara sa mga salitang mass (malaking bilang) at kara (mukha). Samakatwid, ang MassKara ay nangangahulugang “maraming nakangiting mukha.” Ito rin ang dahilan kung bakit binansagan ang Lungsod Bacolod bilang “City of Smiles.” Gayunman, masalimuot ang kuwento ng pagsisimula ng piyesta dahil sa dalawang krisis na kinaharap ng lungsod noong 1980.

Pamahalaan at Mamamayan

edit

Ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, mas kilala bilang PDP-Laban, ay isang makapangyarihang partidong politikal sa Pilipinas na nabuo sa pamamagitan ng pagsasanib puwersa ng dalawang partido. Ito ay naitatag noong 6 Pebrero 1982 ng noo’y alkalde ng Lungsod Cebu na si Aquilino “Nene” Q. Pimentel Jr. at ng grupo ng mga nagpoprotesta laban sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at sa naghaharing partido nito na Kilusang Bagong Lipunan (KBL). Noong 1983, nakipagsanib ang PDP sa Lakas ng Bayan ni Benigno Aquino Jr.

Alam mo ba...

edit

Noong 18 Setyembre 1891 ay nailathala sa Europa ang ikalawang nobela ni Jose Rizal—ang El Filibusterismo. Mula sa Europa ay nakarating ito sa Pilipinas na may hatid na balakid at hamon sa paghahari ng Espanya; may hatid na pag-asa sa mga Pilipinong naghihintay ng katarungan at kalayaan; at may hatid na pangamba at takot para sa pamilya ng may-akda. Tumutukoy ang filibusterismo sa mga gawain ng isang filibustero, taong may layuning manghimok ng pag-aalsa. Dahil hayagang ipinakita ni Rizal ang masasamang gawain ng mga prayle sa nobela, dinakip siya noong 1892 (pagkabalik niya sa Pilipinas) at ipinatapon sa Dapitan.


Talas Salita

edit

Bawal ang Wang-wang

Ang “wang-wang” ay nangangahulugang paggamit ng anumang maingay na instrumento tulad ng sirena, batingaw, pito, o anumang katulad na bagay na gumagawa ng malakas na ingay upang agad na padaanin sa mga kalsada na karaniwang ginagamit ng mga politiko at sasakyan ng pamahalaan.
Sa paunang talumpati ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III noong 30 Hunyo 2010, sinabi niya na nauunawaan niya ang mga Pilipinong nagtitiis sa trapiko ngunit nasisingitan ng mga sasakyang de-wang-wang. Bilang bahagi ng kaniyang adbokasiyang “kayo ang boss ko,” ipinag-utos niya na walang gagamit ng wang-wang, kahit ang kaniyang mga sasakyan, at lahat ay susunod sa batas trapiko.


'

Mga Epesyal na Pórtal

edit

Battlle and revolts.svg Aklas
Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
Fiesta Philippine Feasts.svg Pista
Piyesta Opisyal ng Pilipinas
Moda Philippine Fashion and Style.svg Moda
Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
Ph education.svg Edukasyon
Edukasyon sa Pilipinas
Philippine myths and legends.svg Panitikang Pilipino
Panitikan ng Pilipinas
Komiks The Philippine Komikopedia.svg Komiks
Mundo ng Komiks
Musika Original Pilipino Music.svg Musika
Original Pilipino Music
Ph online-travel-guide.svg Travel Guide
Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
Barangay-06.svg Mga Pambansang Pagkilala
Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
Kusina Unique Filipino Food.svg Kusina
Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
Ph Cinemapedia.svg Pelikula
Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
Encyclopedia-Filipina.svg Kababaihang Pilipino
Mabuhay ang mga Eba!
Philippine Childrens litreture.svg Chikiting
Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
Laro Traditional Philippine Games.svg Laro
Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
Ph joserizal-encyclo.svg Rizaliana
Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
Ph-memorabilia.svg Nostalhiya
Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
Etniko Philippine Ethnic Groups.svg Etniko
Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
Libro Filipiniana Books Collection.svg Libro
Bakit hindi mo subukang basahin ito?
Ph TV series.svg Teleserye
Mga teleseryeng Pilipino!
Ph flora-fauna.svg Flora at Fauna
Flora at Fauna ng Pilipinas