Difference between revisions of "Unang Pag-aaklas sa Pampanga"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 26: Line 26:
 
[[Category:Kasaysayan]]
 
[[Category:Kasaysayan]]
 
[[Category:Aklas]]
 
[[Category:Aklas]]
 +
[[Category:Kasaysayan at Pangyayari]]

Revision as of 14:46, 23 February 2021

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang [The First Pampanga Revolt.

Ang Unang Pag-aaklas sa Pampanga (The First Pampanga Revolt), ay isa sa mga unang pag-aaklas laban sa mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay isang pag-aaklas ng mga pinunong Kapampangan na kabilang sa pangkat ng mga prinsipalya (tawag sa pangkat ng mga mayaman at makapangyarihan sa mga bayan sa panahon ng mga Espanyol) noong Abril 1585. Silaay nagrebelde laban sa mga enkomendero (conquistador o sinomang pinunong Espanyol o sundalo na inatasan ng Hari ng Espanya na mamahala sa encomienda)  dahil sa mga pang-aabuso ng mga ito sa mga katutubongPilipino. Ang mga pinunong Kapampangan ay nagplano na lusubin ang Intramuros at patayin ang mga opisyal na Espanyol sa loob nito. Subalit, hindi nagtagumpay ang pinlanong paglusob dahil natimbog ng mga opisyal ang plano ng mga Kapampangan sa pamamagitan ng isang Pilipinang may asawang sundalong Espanyol na nakaalam sa kanilang balak at isinuplong ito sa awtoridad. Ang mga utak ng pag-aalsa ay inaresto at pinatay.

Liham ni Don Juan de Manila sa Presidente ng Royal Audiencia

Si Don Juan de Manila, isa sa mga prinsipalyang Pampanga, ay sumulat ng liham sa Audiencia Real  ng Pilipinas upang isuplong ang mga pang-aabuso at kalupitan ng mga enkomendero sa mga Kapampangan.  Ayon sa kaniyang liham, ang mga Espanyol na manlalakbay ay walang habas na ninanakaw ang kanilang mga alagang hayop, bigas, at iba pang pagkain, ginagahasa ang kababaihan, at iniinsulto ang mga katutubo sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila ng mga hindi kaaya-ayang pangalan. Ayon rin sa liham, ang mga Espanyol ay pinagtatrabaho ang mga katutubo ng walang suweldo at pinagbabayad din sila ng tributo kahit ang kanilang mga lupa at ari-arian ay kinumpiska.

Ayon kay Don Juan, nais niya at iba pang prinsipalya ng Pampanga na dinggin ng Royal Audencia ang kanilang mga hinaing at bigyan ng hustiya. Sinabi rin ni Don Juan sa liham na kung maaari ay magpadala ng bisitador (opisyal na may tungkuling mag-imbestiga) ang awtoridad sa rehiyon para makita nila ng aktuwal ang mga pang-aabuso ng kapuwa Espanyol. Binalaan nya ang awtoridad na kung magpapatuloy ang mga pang-aabuso at kalupitan, magiging dahilan ito ng pagkasira ng rehiyon at hindi niya mapipigilan ang kaniyang sarili na gumawa ng pagkakasala laban sa Diyos.

Pagnanakaw sa mga Pilipinong Hukbo

Tinipon nina Don Juan de Manila at Don Nicolas Managuete, parehong mula sa pangkat ng mga principales sa Pampanga, ang halos sandaang katutubong Pilipino at pumunta sa kalapit na probinsiya ng Candaba. Sila ay may dala-dalang limampung baril, mga galon ng pulbura, at iba pang sandata.  

Subalit, iilan sa mga katutubong tinipon na kamag-anak ni Don Juan de Manila ang nagtangkang pigilan ang rebelyon. Pinatay nito ang ilang miyembro ng hukbo at ninakawan pa ng mga armas at ginto. Hindi pa natapos dito ang kaniyang pagtataksil,, kasama ang iba pang traidor  ay sumakay sila ng bangka at nagtungo sa ilog kung saan naghihintay ang apatnapu pang miyembro ng hukbo na tinipon ni Don Nicolas Managuete.  Tulad ng naunang hukbo, pinatay at ninikawan din nila ang mga ito.

Pagbagsak ng Rebelyon

Dahil ibinulgar ng isang Pilipinang may asawang sundalong Espanyol  ang planong pag-aaklas, nagpadala ang awtoridad ng hukbong binubuo ng tatlumpung sundalo upang dakpin ang mga rebelde. Nagtagumpay ang mga sundalong Espanyol at umatras ang mga natitirang miyembro ng hukbo nina Don Juan at Don Nicolas.

Pagsuko ni Don Nicolas Managuete

Ang hukbo na pinamumunuan ni Don Nicolas Mananguete ay umatras at nagtago sa isang burol upang magpalakas bago lumusob uli. Pumunta roon ang mga sundalo at sinabihan si Don Nicolas na sumuko na ngunit ang sabi ni Don Nicolas ay susuko lamang siya kung patatawarin siya ng awtoridad sa kaniyang pagrerebelde. Nais din niyang papuntahin sa pinagtataguang burol ang prayleng Espanyol kung saan siya nagkukumpisal upang masigurado ang kaniyang kaligtasan. Pumayag ang mga sundalo sa mga kondisyon ni Don Nicolas at dinala siya at ang kanyang hukbo sa monasteryo kung saan sila ikinulong.  

Pagpatay sa Hukbo ni Don Juan de Manila

Nang mapag-alaman ng mga sundalong Espanyol na si Don Juan, kasama ang iba pang prinsipalya, ay umatras sa ibang lugar upang magplano ng isa pang pag-atake, inatasan ng mga sundalo ang ibang mga katutubong kampi sa pamahalaang Espanya na lusubin at arestuhin ang mga ito. Nagpunta sila sa kuta ni Don Juan at pinagpapatay ang mga hukbo na naroon.

Mga Sanggunian

Michael Raymon Tayag-Manaloto Pangilinan.“Kapampangan Revolt (1585-86): The Letter of Don Juan de Manila”. Hinango 12 Enero 2021.

Michael Raymon Tayag-Manaloto Pangilinan.“Kapampangan Revolt (1585): A Detailed Report”. Hinango 12 Enero 2021.

The Philippine Revolution”. Hinango 12 Enero 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.