Tingi-Tingi

From Wikfilipino
Revision as of 09:52, 16 July 2021 by Gmallorca (talk | contribs) (Created page with "thumb|140px|Tinging shampoo, sabon, toyo, kape at iba pa. '''Tingi-tingi''' o '''tingi''' ang tawag sa pagbili ng mga bagay ng paunti-un...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Tinging shampoo, sabon, toyo, kape at iba pa.

Tingi-tingi o tingi ang tawag sa pagbili ng mga bagay ng paunti-unti o sa maliliit na bahagi. Sinasabing tatak na rin ng mga Pilipino ang pagbili at pagbebenta ng patingi. Tanging sa Pilipinas ka lamang makakabili ng isang butil ng bawang, ng isang pirasong kamatis, kalahating tasa ng suka, o isang sachet ng shampoo. Kung ikukumpara sa ibang bansa ay ibang iba ang kaugaliang ito sapagkat ang pagbili sa kanila ay nasa dose-dosena o karton-karton.

Tingi-tingi bilang kultura

Ang pagbili nang tingi-tingi ay bahagi ng kulturang Pilipino at mapapansin ang ganitong kaugalian sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Halos walang sari-sari store o tindahan sa Pilipinas na hindi nagbebenta ng mga tingi-tinging produkto. Sa Pilipinas, makakabili ka ng kapeng pang isang tasa, shampoo sa sachet, isang lapad ng mantika, mamisong tsitsirya, "ice tubig," at pamintang nakarepak. Nariyan rin ang mga takatak boys sa daan na nagbebenta ng mga tinging sigarilyo, kendi, at mineral water. Saan mang parte ng Pilipinas, hindi nawawala sa kultura ng mga Pilipino ang tingi-tingi.

Kahit Tingi-Tingi Lang

Ito ay isang tula na sinukat ni Yuco tungkol sa ugaling tingi-tingi ng mga Pilipino.


kahit tingi-tingi
ayos na..
kahit kakaunti
solb na..

kahit wag mo nang yakapin
aking pagdurusa
kahit wag mo nang haplusin
aking pangungulila

kahit wag mo nang silipin
aking pag-luha
kahit wag mo nang isipin
aking pag-iisa

kahit tingi-tingi
solb na..
kahit kakaunti
pwedi na..

kung sakaling ubos na
kahit ang tingi-tingi
kahit ang kakaunti
sabihin mo lang sana
at susubukan ko ang wala.

Sanggunian

Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.