Timog-silangang Asya

From Wikfilipino
Revision as of 15:14, 25 July 2021 by Mcajulis (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Ang Timog-silangang Asya ay isa sa mga subrehiyon ng kontinenteng Asya. Ito ay may sukat na 4,500,000 kilometro kuwadrado ng kalupaan at karagatan. Matatagpuan ito sa timog ng Tsina, silangan ng India, kanluran ng New Guinea, at hilaga ng Australia.

Binubuo ito ng dalawang rehiyong heograpikal—ang kalupaang Asyano at mga kapuluan sa silangan at timog silangan nito. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay ang Cambodia, Laos, Burma, Thailand, at Vietnam. Ang mga bansang nasa karagatan ay ang Brunei, Timor-Leste, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Singapore.

Malapit ang Timog-silangang Asya sa ekwador kaya tropikal, mainit, at mahalumigmig ang klima rito. Matatagpuan din sa subrehiyong ito ang maraming bundok, kapatagan at talampas, at ilog at dagat.

Mga Bansa Ayon sa Lawak

Bansa Lawak
(km²)[1]
Kabisera
Indonesia 1,904,569 Jakarta
Burma 676,578 Nay Pyi Taw
Thailand 513,120 Bangkok
Vietnam 331,210 Hanoi
Malaysia 329,847 Kuala Lumpur
Pilipinas 300,000 Maynila
Laos 236,800 Vientiane
Cambodia 181,035 Phnom Penh
Timor-Leste 14,874 Dili
Brunei 5,765 Bandar Seri Begawan
Singapore 719 Singapore

Mga Bansa Ayon sa Populasyon

Bansa Populasyon
(2020)[2]
Indonesia 273,523,615
Pilipinas 109,581,078
Vietnam 97,338,579
Thailand 69,799,978
Burma 54,409,800
Malaysia 32,365,999
Cambodia 16,718,965
Laos 7,275,560
Singapore 5,850,342
Timor-Leste 1,318,445
Brunei 437,479

Mga Sanggunian