Difference between revisions of "Thomasites"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
 
(2 intermediate revisions by the same user not shown)
Line 1: Line 1:
Ang '''Thomasites''' ay tawag sa mga gurong Amerikano na dumating sa [[Pilipinas]] sakay ng barkong US Army Transport Thomas noong 21 Agosto 1901.  
+
Ang '''Thomasites''' ay tawag sa mga gurong Amerikano na dumating sa [[Pilipinas]] sakay ng barkong US Army Transport Thomas noong 21 Agosto 1901. [[File:Thomasites Memorial Historical Marker sa Manila.jpg|thumb|Ang Thomasites memorial historical marker sa Manila North Cemetery]]
 
== Pagdating ng mga Amerikano ==
 
== Pagdating ng mga Amerikano ==
 
Isa sa naging layunin ng mga mananakop na Amerikano sa bansa noon ay ang isulong ang kanilang konsepto ng edukasyon sa mga [[Pilipino]]. Inatasan nila ang mga sundalo upang maging mga unang gurong Amerikano sa bansa. Nagtayo rin sila ng mga paaralan.  
 
Line 15: Line 14:
 
Sa panahon ng pamumuno ni William Howard Taft sa Pilipinas, isa ang edukasyon sa mga pinagtuunan niya ng pansin. Dahil dito, hinirang niya ang kapuwa Amerikanong si David Prescott Barrows, na pamahalaan ang mga paaralan sa Maynila. Pinatatag ni Barrows ang mga pang-akademikong aralin sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang nang sa gayon ay makapili at magkaroon ng propesyon ang mga Pilipino sa hinaharap. Ipinatupad din niya ang sistema ng iskolarsip para sa mga natatanging Pilipinong mag-aaral na makapag-aral sa mga unibersidad sa Amerika. Tinawag na “pensiyonado” ang mga Pilipinong nakatanggap ng libreng pag-aaral sa Amerika.
 
Halos dalawang dekada nagturo ang mga Thomasites sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay umuwi sa Amerika matapos ang kanilang termino ngunit may mga nanatili sa Pilipinas at dito na namatay. Matatagpuan sa Manila North Cemetery ang isang espesyal na libingan para sa kanila.  

== Mga Sanggunian ==
 
== Mga Sanggunian ==

Latest revision as of 06:45, 20 August 2021

Ang Thomasites ay tawag sa mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas sakay ng barkong US Army Transport Thomas noong 21 Agosto 1901.

Ang Thomasites memorial historical marker sa Manila North Cemetery

Pagdating ng mga Amerikano

Isa sa naging layunin ng mga mananakop na Amerikano sa bansa noon ay ang isulong ang kanilang konsepto ng edukasyon sa mga Pilipino. Inatasan nila ang mga sundalo upang maging mga unang gurong Amerikano sa bansa. Nagtayo rin sila ng mga paaralan.

Unang dumating ang grupo ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas noong Hulyo 1901 sakay ng barkong SS Sheridan.

Gayunman, isa sa mga maituturing na pinakamalaking kaganapan sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas ay ang pagdaong ng barkong US Army Transport Thomas noong 21 Agosto 1901. Sakay ng barkong ito ang 540 guro mula US na ang layunin ay makapagbahagi sa mga Pilipino ng kanilang kaalaman sa iba’t ibang asignatura. Tinawag ang mga guro na Thomasites dahil sa pangalan ng barkong nagdala sa kanila.

Nagtungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga Thomasites, tulad ng mga lalawigan ng Albay, Cebu, Bataan, at Jolo, upang makapagturo sa mga pampublikong paaralan.

Dahil sinakop ng US ang Pilipinas, hindi maiwasang isipin ng nakararami na may ibang motibo ang pagdating ng Thomasites sa bansa. Gayunman, tulad ng mga guro sa kasalukuyan, marami ring sakripisyo ang dinaanan ng mga gurong ito. Nawalay sila sa kani-kanilang pamilya upang turuan ang mga hindi nila kamag-anak at manirahan sa bansang may kakaibang klima kumpara sa bansang kanilang pinanggalingan.

Pagtataguyod ng Edukasyon sa Pilipinas

Sa panahon ng pamumuno ni William Howard Taft sa Pilipinas, isa ang edukasyon sa mga pinagtuunan niya ng pansin. Dahil dito, hinirang niya ang kapuwa Amerikanong si David Prescott Barrows, na pamahalaan ang mga paaralan sa Maynila. Pinatatag ni Barrows ang mga pang-akademikong aralin sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang nang sa gayon ay makapili at magkaroon ng propesyon ang mga Pilipino sa hinaharap. Ipinatupad din niya ang sistema ng iskolarsip para sa mga natatanging Pilipinong mag-aaral na makapag-aral sa mga unibersidad sa Amerika. Tinawag na “pensiyonado” ang mga Pilipinong nakatanggap ng libreng pag-aaral sa Amerika.

Halos dalawang dekada nagturo ang mga Thomasites sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay umuwi sa Amerika matapos ang kanilang termino ngunit may mga nanatili sa Pilipinas at dito na namatay. Matatagpuan sa Manila North Cemetery ang isang espesyal na libingan para sa kanila.  

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.