Difference between revisions of "Third-hand smoke"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Ang latak ng usok ng paninigarilyo ay tinatawag na '''third-hand smoke'''. Kaiba sa secondhand smoke na nawawala matapos ang ilang oras, ang third-hand smoke ay kumakapit sa i...")
 
 
Line 13: Line 13:
 
*[http://www.msnbc.msn.com/id/35318118/ns/health-addictions/#storyContinued] (Hinango noong Abril 20, 2010)
 
*[http://www.msnbc.msn.com/id/35318118/ns/health-addictions/#storyContinued] (Hinango noong Abril 20, 2010)
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}[[Kategorya:Kalusugan]]
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}[[Kategorya:Kalusugan]]
 +
[[Category:Siyensiya at Teknolohiya]]
 +
[[Category:Kalusugan]]

Latest revision as of 11:04, 24 February 2021

Ang latak ng usok ng paninigarilyo ay tinatawag na third-hand smoke. Kaiba sa secondhand smoke na nawawala matapos ang ilang oras, ang third-hand smoke ay kumakapit sa iba’t ibang bagay gaya ng pader, damit, furniture, sahig, kurtina at balat at nananatili ng ilang linggo hanggang buwan. Ang third-hand smoke ay nagkakaroon ng reaction sa nitrous acid sa hangin at bumubuo ng tobacco-specific nitrosamines (TSNA) na lubhang mapanganib.

Kung ipaghahambing sa first-hand smoke (nalalanghap ng naninigarilyo) at secondhand smoke (nalalanghap ng non-smoker) na parehong matagal nang napatunayang masama sa kalusugan, ang third-hand smoke ay isang bagong ideya na ngayon pa lang nasimulang lubusang pag-aralan. Sa katunayan, ito ay isang bagong terminolohiyang ginamit sa isang siyentipikong pag-aaral na ginawa sa Lawrence Berkeley National Laboratory.

Proteksyon Laban sa Third-Hand Smoke

Ayon sa mga researcher, hindi sapat na proteksyon laban sa third-hand smoke ang paninigarilyo sa labas lalo na’t kumakapit ito sa balat at damit. Ayon sa kanila, ang pagkakaroon ng smoke-free environments ang sagot laban sa third-hand smoke. Kabilang dito ang mga tahanan, opisina at mga pampublikong lugar.

Mga Kasalukuyang Pag-aaral

Sa kasalukuyan, may mga karagdagang pananaliksik na isinisagawa tungkol sa TSNA. Bahagi ng mga pag-aaral na ito ang alamin ang long-term stability ng TSNA at malalimang pagtuklas ng chemical formation nito. Gusto ring alamin ng mga researcher ang ibang kemikal na nabubuo sa chemical reaction ng third-hand smoke at nitrous acid bukod sa TSNA.

Sanggunian

  • [1] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [2] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [3] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [4] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [5] (Hinango noong Abril 20, 2010)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Kalusugan