Teresa Magbanua

From Wikfilipino
Revision as of 13:19, 9 April 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Si Teresa Ferraris Magbanua ay pinagpipitaganang Pilipina, at ang natatanging babaeng heneral noong panahon ng Digmaang Espanyol-Amerikano. Tulad ni Reyna Sima, Prinsesa Urduja at Gabriela Silang, pinatunayan ni Teresa na ang mga babae ay may angking katapangan, tibay ng puso, at handang magsakripisyo o maghandog man ng buhay kung kinakailangan para sa bayan.

Ipinanganak si Teresa noong 13 Oktubre 1868 sa Potolan, Iloilo. Nagmula sa prominenteng pamilya sa kaniyang bayan si Teresa; ang kaniyang ama na si Don Juan Magbanua ay isang hukom, at ang kaniyang ina naman na si Dona Alejandro Ferraris ay anak ng kapitan na si Benito Ferraris. Nag-aral ng edukasyon si Teresa sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo. Nagtungo naman siya sa Maynila at nagkaroon ng sertipiko sa pagtuturo sa Colegio de Dona Cecilia. Nagkaroon naman siya ng master's degree sa Unibersidad ng Santo Tomas. Umuwi naman siya sa Potolan upang magsilbi bilang guro. Napangasawa rin niya si Alejandro Balderas.

Nang magsumula ang giyera, naging heneral si Teresa ng puwersa ng mga rebolusyonaryo katulad ng kaniyang dalawang mga kapatid na lalaki. Nakibahagi siya sa paglaban sa mga Amerikano hanggang sa mapasakamay nila ang Panay at Jaro. Dahil dito, ginawaran si Teresa ng iba't ibang parangal sa kaniyang bayan dahil sa katapangan na kaniyang ipinamalas. Bagama't hindi na naging aktibo sa paglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumulong naman si Teresa sa mga lokal na guerilya. Namatay naman siya noong August 1941 kasama ang kaniyang mga kapatid sa Zamboanga.

Sanggunian

"Amazing Filipino Women Heroes." Philippine Veterans Affairs Office. (Hinango noong 03 Marso 2021.)

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Teresa Magbanua. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.