Teofilo Garcia

From Wikfilipino
Revision as of 11:49, 4 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs) (Created page with "Si '''Teofilo Garcia''' ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o '''GAMABA'''. Kilala siya sa kaniyang likhang ''tabungaw'' o som...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Teofilo Garcia ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya sa kaniyang likhang tabungaw o sombrero na gawa sa pinatuyong upo. Itinanghal siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2012.

Talambuhay

Ipinanganak si Garcia sa Abra noong ika-27 ng Marso, 1941. Natutunan niya ang paggawa ng kattukong o tabungaw sa kaniyang lolo noong siya ay 15 taong gulang. Mula noon ay ipinagpatuloy niya ang paggawa sa kaniyang natatanging sombrero.

Marami ang nagsimulang gumamit ng tabungaw dahil praktikal ito at maaring gamiting proteksyon laban sa init at sa ulan. Sinasabing kung maaalagaan nang mabuti, maaring umabot hanggang sa apat na henerasyon ang isang tabungaw.

Binuhay ni Garcia ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka. Sa mga buwan na hindi siya nagtatanim ng palay o tabako, tinataniman niya ng upo ang kaniyang sakahan, at ito ang ginagamit niya sa paggawa ng tabungaw.

Umaabot ng pitong araw ang paggawa ng isang sombrero. Gumagamit si Garcia ng mga simpleng kagamitan na siya mismong ang gumawa.

Natanggap ni Garcia ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2012.

Mga Sanggunian