Difference between revisions of "Teodora Alonso"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 23: Line 23:
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Bayaning Pilipino]]
 
[[Category:Bayaning Pilipino]]
 +
[[Category:Kababaihang Pilipino]]

Revision as of 07:57, 2 March 2021

Si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos (9 Nobyembre 1827–23 Agosto 1911) ay ina at unang guro ng dakilang bayani na si Jose Rizal.

Pinagmulan at Edukasyon

Si Teodora ay ikalawa sa mga anak nina Lorenzo Alberto Alonso at Brigida de Quintos. Ang kaniyang ama ay naging kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko sa Isabela, at agrimensor. Ang kaniyang ina naman ay galing din sa prominenteng pamilya. Siya ay nakapag-aral sa Kolehiyo de Santa Rosa.

Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda, alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria noong 1849.

Maybahay

Sa edad na dalawampu, si Teodora ay ikinasal kay Francisco Mercado na mula sa Biñan, Laguna. Sila ay nanirahan sa Calamba, Laguna, at nabiyayaan ng labing-isang anak: sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad. Si Teodora ang kauna-unahang guro ng kanilang mga anak. Siya rin ang naging inspiration at dahilan kung bakit kumuha ng medisina si Jose, upang magamot at maibalik ang paningin ng ina.

Bayani

Maging si Teodora ay hindi nakaligtas sa pagmamalupit ng mga Espanyol. Maka-ilang beses siyang nakulong sa mga kakatwa at hindi mahalagang kaso. Una siyang nakulong sa bintang na nilason niya ang kapatid ng kaniyang asawa. Ipinagtanggol siya ng dalawa sa magagaling na abogado na nagmula pa sa Maynila, at napawalang-sala makalipas ang dalawa at kalahating taong pagkakabilanggo.

Nang ipag-utos ng mga Espanyol na palitan ang apelyido ng bawat Pilipino, isa ang kaniyang pamilya na tumutol at bilang parusa, siya ay pinaglakad nang mahigit 50 kilometro mula sa Calamba hanggang Sta. Cruz, Laguna. Napilitang lumipat ng Maynila ang kaniyang pamilya nang magkaroon ng hidwaan ang mga Dominiko at ang mga katutubo sa Laguna.

Noong 1891, nakasama niya si Jose nang madestiyero ito sa Dapitan at magtungo sa Hong Kong. Nang malaman niyang ang kaniyang anak ay papatawan na ng parusang kamatayan, siya ay nagtungo sa Maynila upang bisitahin ang asawa at makiusap sa gobernador-heneral, ngunit nabigo sa kaniyang layunin. May ulat na ang malaking hagdan ng Palasyo ng Malacañang ay kaniyang inankyat nang paluhod upang makahingi ng pardon.

Sa dami ng hirap at sakit ng kaloobang dinanas, inalok ng lehislatura ng Pilipinas si Teodora ng pensiyon bilang pagkilala sa kaniyang mga naging ambag sa bayan. Magalang niyang tinanggihan ang alok at sinabing “Ang aking pamilya ay kailanman hindi nagmahal sa bayan dahil lamang sa salapi. Kung ang ating pamahalaan ay maraming pondo at hindi alam kung saan dapat gamitin, mas mainam sigurong bawasan na lang ang buwis.” [1] [2] [3]

Mga Sanggunian

  1. Quirino, Carlos. Who’s Who in Philippine History. Maynila: Tahanan Books, 1995.
  2. Schedar Jocson. “Teodora Alonso.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.
  3. Mario Alvaro Limos. “Teodora Alonzo Was a Woman of Steel.” Esquiremag.ph, 16 Agosto 2019. https://www.esquiremag.ph/long-reads/teodora-alonzo-was-a-woman-of-steel-a00293-20190816-lfrm. Accessed 2 Marso 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.