Teny Henson

From Wikfilipino
Revision as of 08:15, 25 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "Si '''Teny Henson''' ay isang Pilipinong dibuhista sa komiks na isinilang sa isang pamilyang may hilig sa sining. Hindi kamangha-manghang sundan ni Henson ang yapak ng kanyang...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Teny Henson ay isang Pilipinong dibuhista sa komiks na isinilang sa isang pamilyang may hilig sa sining. Hindi kamangha-manghang sundan ni Henson ang yapak ng kanyang pinagmulan. Ito rin ang dahilan kung paano siya nakarating sa kasalukuyan niyang kinaroroonan.

Talambuhay

Nagtapos si Henson ng elementarya sa Tondo Elementary at sekundarya sa Torres High School. Ipinagpatuloy ni Henson ang kanyang pag-aaral hanggang kolehiyo sa International Correspondence School. Nakapagtapos siya sa titulong Commercial Arts.

Ang kanyang pagkahilig sa cartoons noong bata pa lamang siya ay mas higit lalong nag-alab nang anim na ulit siyang manalo sa Bright Idea Contest na itinaguyod ng isang kompanya ng softdrinks. Ang kanyang pagkamangha kay Tony Velasquez ang nagbunsod sa kanya upang hanapin ang kanyang iniidolo at dahil dito ay humantong siya sa Velasquez' Advertising Company upang magtrabaho. Doon niya nakilala ang ilang sikat na mga dibuhista tulad na nina Damy Velasquez, Jesse Santos, Fred Carrillo, at Antonio Raulio.

Simula noong 1950, sumikat si Henson sa paggawa ng komiks. Ilan sa kanyang mga kahanga-hangang likha ay ang mga karakter na Tangoy, Ogoy at Little Angel na siyang naging sanhi ng kanyang pagkakapanalo sa SPIC (Society of Philippine Illustrators and Cartoonists) Award para sa Best Story/Cartoon.

Simula 1975 hanggang 1980, gumagawa si Henson para sa DC Comics at Western Publishing ng mga dibuho para sa maikling kwento, misteryo, kababalaghan, at iba pa. Nagtrabaho din siya sa mga Filmation Studio sa Los Angeles.

Gawa

  • Komiks
    • Tikboy
    • Berong Barbero
    • Isang Ngiti Naman Dyan
    • Eskrimador
    • Basilio Baston
    • Pobres Park
    • Teribol Terya
    • Lunggati
    • Haliparot na Puso
    • Sa Bawat Dangkal na Lupa
    • Dugo
    • Kris
    • Tangoy
    • Ogoy
    • Little Angel
    • Batman
    • Superman
    • Captain Marvel
    • Plastic Man
    • Rudolf the Red Nosed Reindeer
    • G.I. Combat
    • Ghosts
    • House of Mystery
    • The Unexpected
    • Weird War Tales
    • Secret of Haunted House
  • Animation Department
    • "Problem Child" (background and prop designer) (13 episodes, 1993-1994)
    • "Animaniacs" (background layout) (8 episodes, 1993)
    • Tiny Toon Adventures: How I Spent My Vacation (1992) (V) (character layout and posing) (key background layout artist)
    • "Tiny Toon Adventures" (character layout artist) (7 episodes, 1990-1991) (key background designer) (1 episode, 1991)
    • Barbie and the Rockers: Out of This World (1987) (TV) (key background designer)
    • The Secret of the Sword (1985) (layout artist)
    • "He-Man and the Masters of the Universe" (layout artist) (130 episodes, 1983-1984)
    • "Gilligan's Planet" (1982) TV series (layout artist) (1982)
    • "The Kid Super Power Hour with Shazam!" (1981) TV series (layout artist) (1981)
    • "Blackstar" (layout artist) (13 episodes, 1981)
  • Production Designer
    • Happily Ever After (1993)
    • BraveStarr: The Legend (1988)
    • "BraveStarr" (5 episodes, 1987-1988)
    • Pinocchio and the Emperor of the Night (1987)
    • "Ghostbusters" (65 episodes, 1986)
  • Art Department
    • Scooby-Doo and the Alien Invaders (2000) (V) (storyboard cleanup)
    • "Problem Child" (storyboard artist) (13 episodes, 1993-1994)
    • "X-Men" (storyboard artist) (1 episode, 1993)
    • "Shelley Duvall's Bedtime Stories" (storyboard artist) (5 episodes, 1992-1993)
    • "Animaniacs" (1993) TV series (background layout) (unknown episodes)
    • Tiny Toon Adventures: How I Spent My Vacation (1992) (V) (storyboard artist)

Parangal

  • SPIC (Society of Philippine Illustrators and Cartoonists) Award para sa Best Story/Cartoon

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.