Template:Unang Pahina2

From Wikfilipino
Revision as of 00:31, 18 March 2021 by Vvargas (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search



Ang Paskong Pilipino ay itinuturing na pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko sa buong mundo na kadalasang nagsisimula ng Setyembre. Idinaraos ng mga Pilipino ang Kapaskuhan nang buong kasaganaan at punung-puno ng mayayamang tradisyon at kaugalian.Ginugunita ng mga Pilipino ang kapanganakan ni Hesuskristo, ang Bugtong na Anak ng Diyos, tuwing ika-25 ng Disyembre.

Sa Simbahang Katoliko, ang panahon ng Kapaskuhan ay nagsisimula tuwing ika-16 ng Disyembre, ang unang gabi sa siyam na Simbang-gabi. Ang pagdiriwang ay magtutuloy-tuloy hanggang sa unang linggo ng Enero, ang Kapistahan ng Tatlong Hari, na hudyat ng pagtatapos ng Kapaskuhan.


Protagonista

edit

Si Bruno ay isang tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay kapatid ni Tarsilo at kabilang sa mga inaresto sa pag-aalsa. Lumahok ang magkapatid sa pag-aalsa para ipaghiganti ang kanilang ama na namatay sa pambubugbog ng mga guwardiya sibil.

Taas-Noo Pilipino

edit


Si Jose P. Rizal (19 Hunyo 1861—30 Disyembre 1896), na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay kinikilalang Pambansang Bayani ng Pilipinas (bagama’t hindi opisyal) na lumaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng kaniyang mga akda, partikular ang kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, dalubwika.


Tatak Pinoy!

edit

Ang Mahal na Araw (Latin: Hebdomas Sancta o Hebdomas Maior, "Dakilang Linggo"; Griyego: Ἁγία καὶ Μεγάλη Ἑβδομάς, Hagia sa kai Megale Hebdomas; Kastila: Semana Santa) sa Kristiyanismo ay ang hulíng linggo ng Kuwaresma at ang linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Kasama rito ang mga araw ng Linggo ng Palaspas, Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. Hindi ito kasáma sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.


Tampok na Video

edit



Ang Simbang Gabi ay isa sa mga pinakamatagal at pina-popular na kaugalian ng mga Pilipino tuwing Kapaskuhan. Ito ay kilala din sa tawag na Misa de Gallo na ang ibig sabihin ay “Mass of the Rooster” o Misa ng Tandang. Ang tradisyon na ito ay mahalaga sa bawat Pilipino sapagkat ito ay simbolo ng pagdating ni Hesukristo. Ang Simbang Gabi ay serye ng siyam na araw na nobena para kay Birheng Maria na nag-uumpisa tuwing Disyembre 16 at nagtatapos sa Disyembre 24.

Pamahalaan at Mamamayan

edit

Ang cabeza de barangay o teniente del barrio ang pinuno ng isang barangay, pinakamaliit na sangay ng pamahalaan sa Pilipinas, noong panahon ng mga Espanyol. Sa loob ng isang pueblo o bayan, pinamamahalaan ng isang cabeza ang 50 hanggang 100 katao. Siya ang nagsilbing kinatawan ng kaniyang bayan at inatasang kumuha ng buwis o tributo mula sa mga nasasakupan.

Alam mo ba...

edit

Tinatawag na peninsulares ang mga purong Espanyol na isinilang at lumaki sa Iberian Peninsula o Espanya sa panahon ng kolonyalisasyon. Ang sinomang kasapi ng uring sosyopolitikal na ito ay nasa pinakamataas na bahagdan ng lipunan. Malaki ang kanilang impluwensiya sa Hispanikong lipunan ng Pilipinas. Halimbawa, penisulares lamang ang maaaring umupo bilang gobernador-heneral at arsobispo ng Maynila na ipinadala o inatasan ng Hari ng Espanya.

Talas Salita

edit

Sugnay

Ang sugnay o hugnay ay ang kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di makapag-iisa). Ito ay tinatawag na clause sa wikang Ingles. Kabilang sa mga uri ng sugnay ang punong sugnay, malayang sugnay, at pantulong na sugnay.

Mga Epesyal na Pórtal

edit

Battlle and revolts.svg Aklas
Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
Fiesta Philippine Feasts.svg Pista
Piyesta Opisyal ng Pilipinas
Moda Philippine Fashion and Style.svg Moda
Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
Ph education.svg Edukasyon
Edukasyon sa Pilipinas
Philippine myths and legends.svg Panitikang Pilipino
Panitikan ng Pilipinas
Komiks The Philippine Komikopedia.svg Komiks
Mundo ng Komiks
Musika Original Pilipino Music.svg Musika
Original Pilipino Music
Ph online-travel-guide.svg Travel Guide
Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
Barangay-06.svg Mga Pambansang Pagkilala
Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
Kusina Unique Filipino Food.svg Kusina
Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
Ph Cinemapedia.svg Pelikula
Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
Encyclopedia-Filipina.svg Kababaihang Pilipino
Mabuhay ang mga Eba!
Philippine Childrens litreture.svg Chikiting
Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
Laro Traditional Philippine Games.svg Laro
Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
Ph joserizal-encyclo.svg Rizaliana
Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
Ph-memorabilia.svg Nostalhiya
Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
Etniko Philippine Ethnic Groups.svg Etniko
Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
Libro Filipiniana Books Collection.svg Libro
Bakit hindi mo subukang basahin ito?
Ph TV series.svg Teleserye
Mga teleseryeng Pilipino!
Ph flora-fauna.svg Flora at Fauna
Flora at Fauna ng Pilipinas