Template:TampoknaArtikulo/Halalan2022

From Wikfilipino
Revision as of 05:37, 8 March 2022 by Vvargas (talk | contribs) (Created page with "Ang Halalan 2022 ay gaganapin sa 9 Mayo 2022, Lunes, para sa pambansa at panglokal na posisyon sa pamahalaan, sa parehong ehekutibo at lehislatibong sangay, m...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Halalan 2022 ay gaganapin sa 9 Mayo 2022, Lunes, para sa pambansa at panglokal na posisyon sa pamahalaan, sa parehong ehekutibo at lehislatibong sangay, maliban sa mga opisyal ng barangay. Kabilang sa mga pagbobotohan sa pambansang posisyon ay ang ipapalit sa kasalukuyang pangulo ng Pilipinas, Rodrigo Duterte, at pangalawang pangulo, Leni Robredo. Sakop din ng halalang ito ang sumusunod na posisyon: senador, kongresista, gobernador, bise gobernador, bokal, akalde, bise alkalde, at konsehal. Nakatakda rin sanang isabay sa halalang ito ang 80 posisyon sa Bangsamoro Parliament of the Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), ngunit ito ay ipinagpaliban at nakatakda nang ganapin sa 2025.

Ang Halalan 2022 ang ika-17 halalang pampanguluhan sa [[Pilipinas|Pilipinas] mula 1935 at ikapitong sextennial (isang beses kada anim na taon) na halalang pampanguluhan mula 1986. Ang kasalukuyang pangulo ng bansa ay hindi na maaaring kumandidato sa pagkapangulo ayon sa Saligang Batas ng 1987. Gayunman, maaari siyang tumakbo sa ibang posisyon. Ang posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo ay magkahiwalay na inihahalal kaya maaari silang magmula sa magkaibang partido.

Noong 25 Enero 2022, inilabas ng Komisyon sa Halalan ang opisyal na listahan sa balota ng mga kandidato sa pinakamatataas na posisyon. Sampung kandidato ang nakalista sa pagkapangulo at siyam sa pagkapangalawang pangulo. Samantala, 64 kandidato naman sa pagkasenador ang nakalista sa balota, at 12 lamang sa mga ito ang magwawagi para sa puwesto sa Senado.

Magbasa pa para sa karagdagang impormasyon: Halalan 2022