Template:Tampok na Video

From Wikfilipino
Revision as of 16:46, 31 December 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Pista ng Itim na Nazareno

Tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Hindi mahulugang karayom ang karaniwang tanawin sa Maynila tuwing Pista ng Itim na Nazareno dahil sa libo-libong debotong sumasama sa traslacion o ang taunang prusisyon sa Maynila kung saan ipinakikita ang paglipat ng Itim na Nazareno mula sa orihinal na dambana nito sa Intramuros patungo sa Simbahan ng Quiapo. Gayunman, dalawang taon (2021 at 2022) nang ipinagpapaliban ang nakaugaliang traslacion dahil sa banta ng COVID-19.