Template:Tampok na Video

From Wikfilipino
Revision as of 16:31, 31 October 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Buwan ng Pagpapahalagang Pilipino

Ang Buwan ng Pagpapahalagang Pilipino, o Filipino Values Month, ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre sa bisa ng Pampangulong Proklamasyon Blg. 479 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 14 Oktubre 1994. Layunin ng pagdiriwang na ipaalala na ang mabubuting kaugaliang Pilipino ay daan upang makamtan natin ang mga pansarili at pambansang mithiin. Tuklasin sa “Spaghetti para kay Nanay” kung ano-anong pagpapahalagang Pilipino ang tampok sa kuwento.