Template:Tampok na Video
Jump to navigation
Jump to search
Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Lungsod Bacolod, Negros Occidental tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa mga pinakamakukulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Parada ng mga taong nakasuot ng makukulay na kasuotan at ng nakangiting maskara ang pangunahing atraksiyon tuwing ipinagdiriwang ito. Nagmula ang terminong MassKara sa mga salitang mass (malaking bilang) at kara (mukha). Samakatwid, ang MassKara ay nangangahulugang “maraming nakangiting mukha.” Ito rin ang dahilan kung bakit binansagan ang Lungsod Bacolod bilang “City of Smiles.” Gayunman, masalimuot ang kuwento ng pagsisimula ng piyesta dahil sa dalawang krisis na kinaharap ng lungsod noong 1980.