Template:Tampok na Video

From Wikfilipino
Revision as of 16:28, 31 August 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Jose Mari Chan


Tuwing “-ber months,” na nagsisimula ng Setyembre, isa sa mga inaabangang personalidad, lalo na sa social media, ay ang mang-aawit na si Jose Mari Chan. Dahil maraming popular na pamaskong awitin ang pinasikat ni Chan, iniuugnay siya sa Christmas countdown na lalong nagpapasabik sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Kapaskuhan. Isa sa mga awitin niya na lagi nang maririnig ay ang “Christmas In Our Hearts” na nagpapaalala sa atin sa tunay na diwa ng Pasko.

Ang Setyembre ay simula rin ng pag-viral ng mga meme ng kaniyang mga larawan. Sa isang panayam, sinabi ni Chan na ang mga social media meme ay nakikita niya bilang isang compliment o papuri kahit may kaunting negatibo rito. Tanggap niya na sa mundo ng social media, ang lahat ay maaaring magbahagi ng kanilang opinyon.