Template:Tampok na Artikulo-Rizaliana

From Wikfilipino
Revision as of 05:14, 17 March 2021 by Vvargas (talk | contribs) (Created page with "<div style="padding: .5em"> Si '''Jose P. Rizal''' (19 Hunyo 1861–30 Disyembre 1896) na may buong pangalang '''José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda''', ay kinikila...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Jose P. Rizal (19 Hunyo 1861–30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay kinikilalang Pambansang Bayani ng Pilipinas (bagama’t hindi opisyal) na lumaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng kaniyang mga akda, partikular ang kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, dalubwika, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, etnolohiya, agrikultura, mitolohiya, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima. Magbasa pa...