Template:Taas-Noo Pilipino

From Wikfilipino
Revision as of 16:55, 31 December 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Julian Felipe

Si Julian Felipe, isinilang noong 28 Enero 1861, ay ang bantog na kompositor ng musika ng Lupang Hinirang. Noong 1896, lumahok sa Himagsikan si Felipe at nabilanggo sa Fort Santiago kasama ang tinatawag na “Trece Martires” ng Cavite. Napatunayang inosente si Felipe at pinalaya noong 2 Hunyo 1897, habang binitay ang kaniyang mga kasama. Bilang isang kompositor, kilala si Felipe sa kaniyang musika tulad ng Aurorita, Danza (Early Dawn Danza), Cintas y Flores (Ribbons and Flowers), at Motete al Santisimo (Motet to the Most Holy).